NagpatransV ako pero di makita kung buntis ako at baket nagblebleeding
Hi po ask ko lang po kung nangyare din po sa inyo to . Nagpositive po ako sa PT kaso medyo malabo pa yung isa. Tapos nagblebleeding din po nun nang 2 days then nagTransV kami pero di nila makita yung cause nang bleeding di rin daw nila nakita kung buntis ako :(


Balik ka po ulit sa Ob mo mommy, and monitor mo po if may bleeding ka pa din everyday. Ganyan ako last year po. 7 going to 8 weeks pregnant Positive PT, niresetahan ng follic acid, then may bleeding for 9 days, after nun nagpa ER na ako then sa TransV ko po, walang nakitang sac sa uterus ko. Kasi ayun pala sa fallopian tube ko sya nag implant. Ectopic pregnancy daw po. Buti naagapan pa po, kasi that night din is pumutok na yung fallopian tube ko which is delikads kapag hindi naagapan kasi nakakamatay po so emergency cs po ako non. Praying for you mommy. Sana naman hindi ganon sa case ko ang case mo. ππ
Magbasa pa


