NagpatransV ako pero di makita kung buntis ako at baket nagblebleeding
Hi po ask ko lang po kung nangyare din po sa inyo to . Nagpositive po ako sa PT kaso medyo malabo pa yung isa. Tapos nagblebleeding din po nun nang 2 days then nagTransV kami pero di nila makita yung cause nang bleeding di rin daw nila nakita kung buntis ako :(


Balik ka po ulit sa Ob mo mommy, and monitor mo po if may bleeding ka pa din everyday. Ganyan ako last year po. 7 going to 8 weeks pregnant Positive PT, niresetahan ng follic acid, then may bleeding for 9 days, after nun nagpa ER na ako then sa TransV ko po, walang nakitang sac sa uterus ko. Kasi ayun pala sa fallopian tube ko sya nag implant. Ectopic pregnancy daw po. Buti naagapan pa po, kasi that night din is pumutok na yung fallopian tube ko which is delikads kapag hindi naagapan kasi nakakamatay po so emergency cs po ako non. Praying for you mommy. Sana naman hindi ganon sa case ko ang case mo. 😇🙏
Magbasa pahope im wrong. pero di kaya early miscarriage kasi nag bleed ka? kasi dati ganyan sakin around 5 weeks siguro yun. nag positive pt ko. tapos dinugo ako ng 2 to 3 days din yata yun. akala ko implantation bleeding lang. pag punta ko for ultrasound, walang laman. as in walang sac man lang. sa blood test ko mataas padin hcg levels ko kaya may symptoms padin ako of being pregnant. hanggang unti unti nalang nawala. pero wag ka po mawalan pa ng pag asa. ask for second opinion
Magbasa pailang weeks ka na po ba delayed? kase ako 7weeks nag bleeding pa ako e. muntik din mahirapan makita si baby. may inadvise ba doctor sayo na mag bedrest or any meds na nireseta? kase meron dapat since possible na buntis ka. then usually papabalikin ka nila for another check up.
Ano po yung result nyo sa ultrasound? Usually po kasi pag early pregnancy either nakikita lang na makapal yung matres ba yun di kaya yung bahay bata. di po kaagad makikita si baby. 1st transv ko nung 4 weeks sac palang yung nakita
d na po naulit ung pag dugo skin ..as in po un marami ..pero wla syang buo buo na lumabas .tpos nag punta ako sa ob at IE nya ako sarado nman dw kaya its good for me ..pagod lang dw po un sa kakalakad kaya ganun pero d na po sya naulit ngyon ..sbi ng ob mag pa transvi ako d ko nagawa kc wla ako budget nung time na un kaya sabi ko ok lang nman cguro sa 3months nlang ako mag pa transvi ..
ilan weeks ka po nagpa transv? saken kasi di nakita nung 5weeks palang kaya bumalik ako ng 7weeks and 5days. aun dun nakita

skin po first ultrasound ko transv rin po nakita na siya 5weeks and 3days niresetahan lang ako ni ob ng folic acid at multivitamins, 2days spotting rin po ako pero sabi ni ob close cervix ako baka nagbawas lang daw.. and this months expecting na lalabas na si baby..
Baka may PCOS ka? Friend ko kasi nagpositive pero PCOS lang pala. Pa-2nd opinion ka rin po sa other OB
pinatingen ko po kung may pcos ako wala naman daw po :( wag naman sana :(
Balik ka nalang po next or magoa second opinion momsh. Hope all is well.
Ilang weeks na po kayong delayed nung nagpaultrasound kayo?
siguro po kasi 4 weeks palng po . advicepo nya rest then follic acid lang po
basta malabo po yung isa positive po kasi yan
skin po may folic acid din .. at ang sabi skin ng ob kaya dw ako nag bleed kc medyo masilan dw po sa kakalakad lakad ko din po at pag galaw galaw at pagod kaya dw po ako ng bleed ..binigyan ako ni ob ng pampakapit folic acid at multivitamis pra to make sure na mmging ok kmi ni baby .ang mahal nga nung pampakapit kc 83 isang piraso 21 pcs need ko for 1week
experienced ko na yan noong nakunan ako
Preggers