Am I pregnant?

Hello po. Ask ko lang - nalaman ko po kasi na may PCOS ako August this year dahil 4 months akong hindi dinadatnan niresetahan lang ako ng gamot, then the following months nagkaroon na ako ng regla naging consistent naman po hindi na ako nadelay. Then this month Dec. hindi ako nagkaroon akala ko bumalik lang ulit yung delay ko na pagkakaroon kaya naghintay pa ako ng ilang linggo pero hindi ako dinatnan. Napansin ko po na masakit talaga yung dede ko, parang ang bigat sa pakiramdam although nararanasan ko naman sya pag may period ako pero iba yung sakit at bigat ng feeling ko ngayon. Tapos may pagkakataon na gustong-gusto ko sumuka pero di naman ako nasusuka. Nawalan din ako ng gana sa pagkaen na parang gutom nako pero diko alam kung ano gusto ko kainin. Dec. 23 nag pt po ako and Positive po ang result. Di ako naniwala kasi nga po alam ko pag pcos matagal bago mawala. Kaya nag try po ako ulit hanggang 3 pt at nag positive po lahat yun. Nagpacheck-up po ako kinahapunan pero di man lang po ako sinabihan ni doc na mag blood test or ano para makasiguro. Pinabalik lang po ako next month for ultrasound. Btw, sabi po 6 weeks and 3 days na daw po ako preggy. Posible po kaya na buntis talaga ako? Or may pagkakataon po kaya na magkakamali yung pt? Kahit 3 beses nako nag try and turned out positive po lahat?

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Buntis kana po nan mumsh. Take kana agad vitamins para tuloy tuloy pagdevelop ni baby. πŸ₯°