6 weeks pregnant
Hello po anong weeks po dapat ako magpa ultrasound ung may heartbeat napo anong week poba, sabi ng mother inlaw ko dapat 3months nadaw po , para kita nadaw si baby at may heartbeat na , madami po kasi ako nakikita dito 6weeks po nagpapa ultrasound, and hndi pa nakikita si baby, balak kopo sana ung kita nadin tlga sya or may heartbeat nadin, salamat po! Para iwas stress ndin po hehe 😇❤️

Hi! Sakin 6weeks ako unang nagpa tvs pero 4weeks pa lang pumunta na ko sa ob ko para sa mga vitamins. Sa 6weeks di pa sya mukang baby, bilog at haba pa lang pero kita na yung heartbeat di pa lang masukat. So better 7-8weeks ka unang pa-check. Mas maganda na maaga ka magpatingin kasi hindi natin masabi kung ano lagay ni baby sa womb mo. Example na lang yung sa case ko, sa first tvs hindi pala maganda ang kapit ni baby tapos ang dalas ko pa bumyahe at mag akyat baba sa hagdan. Kung naghintay ako ng ‘3 months’ baka nakunan ako. So yun, naagapan may ininject at pinainom sakin na pampakapit at pinag-bedrest. Awa ni Lord 5months na ko preggy at healthy baby ko.
Magbasa pa


