Kupal sa ari ng lalaki o something white sa dulo nang ari nang newborn na lalaki, paano linisin?
Hello po ano po kaya itong white na nasa dulo nang ari ni baby? FTM here.
Paano Linisin ang Ari ng Lalaki? Heto ang mga Dapat Tandaan Nakadepende ang paraan kung paano linisin ang ari ng lalaki sa kung tuli ba ito o hindi. Mas madaling linisin ang ari ng lalaki na tuli na kumpara sa hindi pa natutuli. Ayon sa WHO, 90% ng mga lalaking nasa hustong gulang sa Pilipinas ay tuli na. Kadalasang isinasagawa ang pagtutuli sa yugto ng pagbibinata. Ngunit maaari din itong gawin ilang sandali pagkapanganak. Ang pagtutuli ay isang proseso ng pagtatanggal ng foreskin (balat na bumabalot sa ulo ng ari ng lalaki). Ginagawa ito para sa ilang mga dahilan gaya ng kalinisan, pangkalusugang usapin, at maging dahil sa tradisyon ng pamilya at relihiyon. Sa ilang mga sitwasyon, isinasagawa ang pagtutuli kapag sobrang sikip ng foreskin. Nagbibigay ng iba’t ibang benepisyo sa kalusugan ang pagtutuli. Kabilang sa mga benepisyong ito ang mas madaling malilinis ang ari ng lalaki, at pinapababa nito ang panganib na magkaroon ng UTI at STDs. Sa ibang kaso, pinabababa nito ang panganib ng pagkakaroon ng cancer sa ari ng lalaki. Pagdating sa kalinisan ng katawan o hygiene, mas nagiging madali ang paglilinis ng ari ng lalaki kapag walang sobrang balat. Kaya’t posibleng mas maliit ang tsansang maipon ang smegma o kupal dito. Ngunit ang pagiging hindi tuli ay hindi nangangahulugang mataas ang panganib sa kalusugan ng isang tao. Sa katunayan,bihira lang ito sa mga hindi pa tuli. Marami pa silang puwedeng maiwasan sa pamamagitan ng pag-aalaga nang ayos at kung paano linisin ang ari ng lalaki nang tama.
Magbasa paHello, good day po! kagabi lang din po namin siya napansin may ganiyan din po baby boy namin na 7 mo's old. Ang ginawa po namin ng asawa ko, nilinis po namin gamit ang cotton buds.. lagi rin kasi namin napa pansin kinakamot ni baby parang inaabot niya Ari niya, dun lang namin nalaman na kating kati siya at pag binúrat mo yung Ari ng baby, makikita mo daming nakatakip na white which is normally sa lalake at tinatawag itong smegma or kupal in tagalog pero nakakapag taka kung normal sa baby na wala pang 1 year old. inoobserbahan pa po namin ngayon.
Magbasa paAng pagtitiyak na malinis ang iyong ari ay hindi lamang para sa iyong kalusugan at kaligtasan. Para din ito sa iyong kasosyong sekswal. Nakabubuti sa pangkalahatang kalusugan ang pagsunod sa mga tagubilin kung paano linisin ang ari ng lalaki. Kung may iba ka pang katanungan hinggil sa reproductive health, huwag magdalawang isip na kumonsulta sa mga ekspertong medikal.
Magbasa pahello mga Mommies, share ko lang po experience ko sa 2nd baby ko, mga 6mos. po sya nun una kong nakita na white sa dulo ng putotoy nia, pinacheck up ko agad sya sa pedia nia, ang sabi po need sya matuli dahil maliit ang butas ng putotoy nia kaya hindi lahat nakakalabas ung ihi nya,.
Lagi bang ganyan mommy? Minsan si baby ko may ganyan pero nakikita ko galing sa diaper... Pag paulit-ulit na ganyan mommy, wag ka na mag dalawang-isip na dalhin siya sa pedia. Mas maigi maagapan kesa lumala...
yung Dugo po may ganon baby ko noong days palang siya normal discharge po iyon pero dapat hanggabg daysbor week lang pero kapag month na dna po OK then yang white dumi rin po discharge
ano daw po yan? 4days old plng baby ko may ganyan din. tapos may bahid ng dugo minsan sa diaper.jan po kaya galing yun?¹
kanina po naobserved ko na after nya umihi tsaka lumabas ang blood. for urinalysis daw po sya bukas para makasigurado. ebf din po ako pero 1st 2days napakahina ng supply ko.pero kahapon engorved n boons ko at marami na sya nakukuha. yellow n kanina poops nya tsaka panay din padede ko
Lalaki din baby ko pero walang ganyan. Mas maganda siguro if magpacheck up kayo sa Doctor Mamshie
kmsta po? ano po kaya sabi ng pedia..on going po kme ngayon kasi may ganyan din si baby ko..
ganyan yong sa baby ko po dinala ko sa pedia ni baby.niresitahan siya nang gamot..