Kupal sa ari ng lalaki o something white sa dulo nang ari nang newborn na lalaki, paano linisin?
Hello po ano po kaya itong white na nasa dulo nang ari ni baby? FTM here.

Paano Linisin ang Ari ng Lalaki? Heto ang mga Dapat Tandaan Nakadepende ang paraan kung paano linisin ang ari ng lalaki sa kung tuli ba ito o hindi. Mas madaling linisin ang ari ng lalaki na tuli na kumpara sa hindi pa natutuli. Ayon sa WHO, 90% ng mga lalaking nasa hustong gulang sa Pilipinas ay tuli na. Kadalasang isinasagawa ang pagtutuli sa yugto ng pagbibinata. Ngunit maaari din itong gawin ilang sandali pagkapanganak. Ang pagtutuli ay isang proseso ng pagtatanggal ng foreskin (balat na bumabalot sa ulo ng ari ng lalaki). Ginagawa ito para sa ilang mga dahilan gaya ng kalinisan, pangkalusugang usapin, at maging dahil sa tradisyon ng pamilya at relihiyon. Sa ilang mga sitwasyon, isinasagawa ang pagtutuli kapag sobrang sikip ng foreskin. Nagbibigay ng iba’t ibang benepisyo sa kalusugan ang pagtutuli. Kabilang sa mga benepisyong ito ang mas madaling malilinis ang ari ng lalaki, at pinapababa nito ang panganib na magkaroon ng UTI at STDs. Sa ibang kaso, pinabababa nito ang panganib ng pagkakaroon ng cancer sa ari ng lalaki. Pagdating sa kalinisan ng katawan o hygiene, mas nagiging madali ang paglilinis ng ari ng lalaki kapag walang sobrang balat. Kaya’t posibleng mas maliit ang tsansang maipon ang smegma o kupal dito. Ngunit ang pagiging hindi tuli ay hindi nangangahulugang mataas ang panganib sa kalusugan ng isang tao. Sa katunayan,bihira lang ito sa mga hindi pa tuli. Marami pa silang puwedeng maiwasan sa pamamagitan ng pag-aalaga nang ayos at kung paano linisin ang ari ng lalaki nang tama.
Magbasa pa