Hello po, ako lang ba? Ako lang po ba ung excited ng manganak? Next month is my due date May 2, 38 weeks na ko bukas. pero ngayon palang gusto ko ng lumabas si baby.
Last march po kasi pinag indifinite leave nako sa work ko kasi umaatake ang acid ko sabi ni ob pahinga nalang muna ko sa house, then mag 1 month nakong kulong sa bahay, ang mister ko naman may work minsan 7 to 5 ang pasok niya minsan 11:30 to 9:30, so in short ako ang naiiwan mag isa sa bahay,.. And grabe ang mga dinanas ko in 1 month till now kung anu ano ng pumapasok sa isip ko, sabayan pa ng panahon ngayon na sobrang init, sobrang hirap kapag buntis ka tapos ikaw lang mag isa sa bahay cellphone lang ang libangan ko kaya stress eating ako kaya di nako magtataka kung bakit ako lumalaki at kung bakit padagdag ng padagdag ang weight ko. Ikaw ba naman mag isa sa bahay syempre un ung time na magagawa mo ang mga gusto mo. Hahahah sorry pero totoo stress eating talaga ako mga momsh!
And this is the question,
Masama bang mainip tayong mga buntis? Ung tipong hindi mo pa due date although nasa term kana kaya gusto mo naring ilabas si baby?
Gustong gusto ko na syang makita mayakap at padedehin.
Ps: second born ko to, ung first born ko 2days old lang ang tinagal samin kinuha na agad ni Lord kaya etong second ko sa sobrang inip at excited gusto ko ng ilabas kahit wala pa kong nararamdaman na kahit ano.
Anonymous