Excited? Or Inip?

Hello po, ako lang ba? Ako lang po ba ung excited ng manganak? Next month is my due date May 2, 38 weeks na ko bukas. pero ngayon palang gusto ko ng lumabas si baby. Last march po kasi pinag indifinite leave nako sa work ko kasi umaatake ang acid ko sabi ni ob pahinga nalang muna ko sa house, then mag 1 month nakong kulong sa bahay, ang mister ko naman may work minsan 7 to 5 ang pasok niya minsan 11:30 to 9:30, so in short ako ang naiiwan mag isa sa bahay,.. And grabe ang mga dinanas ko in 1 month till now kung anu ano ng pumapasok sa isip ko, sabayan pa ng panahon ngayon na sobrang init, sobrang hirap kapag buntis ka tapos ikaw lang mag isa sa bahay cellphone lang ang libangan ko kaya stress eating ako kaya di nako magtataka kung bakit ako lumalaki at kung bakit padagdag ng padagdag ang weight ko. Ikaw ba naman mag isa sa bahay syempre un ung time na magagawa mo ang mga gusto mo. Hahahah sorry pero totoo stress eating talaga ako mga momsh! And this is the question, Masama bang mainip tayong mga buntis? Ung tipong hindi mo pa due date although nasa term kana kaya gusto mo naring ilabas si baby? Gustong gusto ko na syang makita mayakap at padedehin. Ps: second born ko to, ung first born ko 2days old lang ang tinagal samin kinuha na agad ni Lord kaya etong second ko sa sobrang inip at excited gusto ko ng ilabas kahit wala pa kong nararamdaman na kahit ano.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same mhie. im at my 33 weeks pero gusto ko na manganak. naiinip na din ako makita si baby hahaha. biro nga sakin ng OB ko excited na daw siguro ako mapuyat hahaha valid ang feelings mo mhie. siguro po idivert mo nalang muna isip mo sa pageexercise or sa kung pano mapapadali ang paglelabor at panganganak hehe.

Magbasa pa
3y ago

Kaya nga po, exercise narin ako now kaya lang ang bilis kong gutumin ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

same. yung feeling na na stress na ako sa inip kasi gusto ko na din makita si baby at makaraos na din. may 5 edd ko at FTM here po. stress na sguro ako kaya sumasakit ulo ko kakaisip kailan lalabas si baby haha

same situation mi. first week rin ng may edd ko. kain tulog cp lang maghapon sa bahay kasi mag-isa. excited na rin makaraos๐Ÿ˜

3y ago

Kamusta kaya timbang natin nito mi ๐Ÿ˜‚

same here May 3 naman edd ko naglalakad na twing umaga 30mins pra kahit papano magexcercise