Pa-vent out lang mga mommies

Hello po. 7 months preggy na ako and yung husband ko is nagtatrabaho sa laguna. May bahay po talaga kami pero dahil solo na lang ang senior ko na mother at solo din naman daw ako sa bahay kaya minabuti na lang muna naming paupahan ung bahay namin at dito muna ako kay mama para din dw may kasama ako at the same time may kasama din si mama. Every 2nd week umuwi po ang asa ko para mag-grocery sa bahay at bumili ng mga pet supplies para sa alaga ng kapatid para hindi na dw po dagdag pa sa gastusin ng mama ko, nag aabot din sya ng para sa utilities para daw kahit papaano ay nakakaluwag si mama. Okay na okay sya sa mama ko pero every time na tatawag yung tita ko galing ibang bansa puro masasama na lang naririnig ko na sinasabi nya sa asawa ko, na kesyo dw dapat hindi na ako dito nakatira at dapat daw bumukod na kami tapos pati yung kasal namin na ako naman mismo ang may gusto na sa huwes eh pinapakialaman nya. Hindi naman ako makasagot sa usapan nila ng mama ko dahil ayaw kong mawala ang galang ko sa kanya. Ultimo yung status namin sa fb na hindi married pinapakialaman nya. Kung tutuusin naman talaga gusto kong bumukod kasi meron naman kaming bahay, ang problema ko lang solo ang mama ko kasi nasa manila ang kapatid ko. Hindi din naman natira ang asawa ko dito dahil pauwi nya ng sabado, hapon ng linggo ay aalis na sya papuntang laguna. Naiistress lang talaga ako sa tita ko na wala namang ambag sa amin kundi puro sakit ng ulo, lagi pa nyang sinisisi na nabuntis daw ako kaya daw sa halip na umahon ako eh palubog daw ang nangyari sa akin. 25 yrs old na po ako, graduate ng college at may maayos na ipon. Sinisisi nya din yung baby ko na dahil daw dun kaya napigilan ang pag unlad ng career ko which is nakakabwisit talaga. Hindi din naman po kami pabigat ni baby kasi binibigyan naman kami ng budget ng asawa ko para hindi na magaabot pa si mama sa amin. Ewan ko ba kung bakit ganun ung tita ko. Hindi naman maipagtanggol ng mother ko ung asawa ko kasi ayaw daw nya ng gulo. Okay lang po magcomment ng negative. Alam ko naman po na may mali din kami. Baka nga dapat bumukod na lang ako at hindi ko na lang po pinakinggan ung payo ng kapatid at ng nanay ko na dito pa sa amin mag stay, grabeng stress na kasi iniisip ko.

12 Replies

You cant please everybody. Regardless of how good you are as a person, there is still people who dont like you. And that is part of being human. Ours is an imperfect world; were surrounded with people who dont like us, judge us and treat us so bad. If naeexperience natin ang ganong treatment, mas lalo tayongbdapat maawa sa kanila. Meaning noon, "nagsosour graping" siya. Baka there is something in you na wala sa kanya. Just dont response evil for evil. Act with kindness still. You can never go wrong with that. Remember who you are, dont allow anyone to feel you down. Her opinion does not define who you are, unless you allow her. As long as you and your hubby are ok, your mother is ok, then you are more than blessed. Just count your many blessings, you will find out you dont have time left to think about her negative comments against you. Life is beautiful, the best is yet to come. God bless you🙂

mamsh, kung saan ka masaya, duon ka.. as long as okay sa inyo ni hubby mo. yung sinasabi ng iba??? naku wag mo po iyon pansinin... labas na lang kabilang tenga, naging masaya ako noon nung nagsimula ko narealize na i dont need to please everyone,i dont need someone to validate my actions para masabi na maganda at magiging successful ako sa pinili ko gawin.. napakasarap sa pakiramdam, hayaan nyo pp mag ngitngit tita mo aa inis sau.. hahaha! masasawa din sila. ang swerte ng momsh mo sau di mo sya iiwanan, at syempre iba pa din kapag kapamilya mo kasama mo ngyong pandemic. 😊 God bless si

Pati ako n i estress jan s problema mo sis,mas mbuti p nga bumukod k nlang at baliktarin mo nlang sis,ung bhay nlang ng mama mo ang paupshan at khit isama mo c mama mo mas okey prin kc sa enyu nman n ung bhay,bka nagseselos lang sis ng mudra mo n jan k prin khit msy pmilya kna,,kawawa din kc mudra mo kongbiwan mo n mag isa,,pero sana man lang pwede k nman sumagot s tita mo eh,may krapatan k rin ,ndi nman kau naging pabigat ng asawa mo,nku,buti ndi naging ako ikaw,,mkakatikim cla ng katwiran ko,alam nmn ntin ang tama at mali,,

kausapin nyo po mommy mo if ano ba opinion nya sa pagtira mo sa bahay nya..if Okay naman po sa knya, deadma na lang sa tita mo. Pero kung di okay kay Mommy mo, then magusap kayong magasawa kung anong mas okay gawin nyo.. hayaan mo na lang din tita mo baka wala lang magawa sa buhay kaya pati buhay mo pinakikialaman.

Okay naman po sa mama ko na dito ako nakatira kasi nga po ayaw din naman nya na solo ako habang nagbubuntis at sabi naman po ng ate ko eh mas okay na din yun para daw po may kasama yung mama ko sa bahay. Gusto pa nung tita ko na umupa kami ng mas malaking bahay dahil daw manganganak ako which napaka-nonsense para sa akin dahil 2 lang kami dito sa bahay na hindi naman maliiit at hindi crowded. Ewan ko ba sa tita ko.

Madalas talaga kamag anak pa natin ung nagbibigay ng ikasasama natin ng loob. Wala namang natutulong at nagagawang mabuti pero todo mangialam. Malamang nyan eh bitter sa buhay nya o inggit sa inyo

Wag mo na lang pansinin tita mo.. Kung ano makakabuti sa inyo ng baby mo, sa inyo mag asawa dun ka.. Lalu na wala kasama mama mo senior pa.. Mas masarap pag may kasama sa bahay..

tita lang yan bkt nangingialam daig pa nanay mo..wag mu nalng pansinin..minsan may mga tyahin tlga mga pakialamera wla nman naitutulong puro bunganga..kayamot!

Wala ka namang mali. Mali talaga yung tita mong pakialamera na wala namang ambag. Hayaan mo sya. Mamatay sya sa inggit. Wag mo ipahawak baby mo sa kanya ha

Wag mo ng pansinin yang ganyan momsh. May ganyan din akong tita wala namang ambag pero lakas maka kuda.

Parang na-high blood ako after ko basahin ‘tong post na ‘to. 😒😒😒

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles