Pa-vent out lang mga mommies

Hello po. 7 months preggy na ako and yung husband ko is nagtatrabaho sa laguna. May bahay po talaga kami pero dahil solo na lang ang senior ko na mother at solo din naman daw ako sa bahay kaya minabuti na lang muna naming paupahan ung bahay namin at dito muna ako kay mama para din dw may kasama ako at the same time may kasama din si mama. Every 2nd week umuwi po ang asa ko para mag-grocery sa bahay at bumili ng mga pet supplies para sa alaga ng kapatid para hindi na dw po dagdag pa sa gastusin ng mama ko, nag aabot din sya ng para sa utilities para daw kahit papaano ay nakakaluwag si mama. Okay na okay sya sa mama ko pero every time na tatawag yung tita ko galing ibang bansa puro masasama na lang naririnig ko na sinasabi nya sa asawa ko, na kesyo dw dapat hindi na ako dito nakatira at dapat daw bumukod na kami tapos pati yung kasal namin na ako naman mismo ang may gusto na sa huwes eh pinapakialaman nya. Hindi naman ako makasagot sa usapan nila ng mama ko dahil ayaw kong mawala ang galang ko sa kanya. Ultimo yung status namin sa fb na hindi married pinapakialaman nya. Kung tutuusin naman talaga gusto kong bumukod kasi meron naman kaming bahay, ang problema ko lang solo ang mama ko kasi nasa manila ang kapatid ko. Hindi din naman natira ang asawa ko dito dahil pauwi nya ng sabado, hapon ng linggo ay aalis na sya papuntang laguna. Naiistress lang talaga ako sa tita ko na wala namang ambag sa amin kundi puro sakit ng ulo, lagi pa nyang sinisisi na nabuntis daw ako kaya daw sa halip na umahon ako eh palubog daw ang nangyari sa akin. 25 yrs old na po ako, graduate ng college at may maayos na ipon. Sinisisi nya din yung baby ko na dahil daw dun kaya napigilan ang pag unlad ng career ko which is nakakabwisit talaga. Hindi din naman po kami pabigat ni baby kasi binibigyan naman kami ng budget ng asawa ko para hindi na magaabot pa si mama sa amin. Ewan ko ba kung bakit ganun ung tita ko. Hindi naman maipagtanggol ng mother ko ung asawa ko kasi ayaw daw nya ng gulo. Okay lang po magcomment ng negative. Alam ko naman po na may mali din kami. Baka nga dapat bumukod na lang ako at hindi ko na lang po pinakinggan ung payo ng kapatid at ng nanay ko na dito pa sa amin mag stay, grabeng stress na kasi iniisip ko.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May isang "tita" talagang pakialamera sa isang pamilya ano? Kaasar 🙄

Ignore mo nalang si tita, mas kailangan ka ng mama mo na senior :)