samaan ng loob

hello po, 6yrs na kami ng asawa ko .. hingi lang ako advice, nagkatampuhan kasi kami, kagabi, gusto ko makipag ayos sa kanya kaso inuunahan ako ng taas ng pride, sya nman may kasalanan, gusto ko sana sya mauna, kaso mukang wala lang sa knya, sarap pa ng tulog, ano po gagawin ko ?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy ganun ba kalalim ang kasalanan nya? If hindi naman wala naman masama na ikaw unang lumapit let's stop the thinking na "kasalanan naman nya kaya sya ang dapat maunang mag sorry" lalo na sating mga babae ganyan na ganyan ang mindset natin madalas pag ka away nati ang mga partners natin. Pero minsan kailangan din natin ibaba pride natin for the sake of relationship pero it depends padin kung gano katindi ang pagkaksala nya sayo. Minsan kasi yung thinking na ganun sating mga babae di naman talaga nakakatulong dapat marunong din tayo mag balance if alam natin na madalas na ata na ako unang nagsosorry then take a break hayaan mo muna sya for him to realize kung ano nagawa nya. What if di talaga sya lumapit sayo? Pano kung di ka nya talaga pinansin? At ikaw mas pinapairal mo pride mo? Tingin mo ba momsh may maayos kayo sa ganung set up? Lapitan mo na asawa mo naman yan for sure pag nilapitan mo sya pwede din syang mag sorry sayo. Remember momsh FAMILY IS LOVE.. 😊😊😊

Magbasa pa