Baby heartbeat

Hi po. 6weeks na po ako nung una kong nakapagpacheck up sa OB at nag transv ultrasound din po ako nun. May heartbeat naman po si baby at wala din naman po akong bleeding/spotting. Ngayon po nag woworry ako. Pano ko po ba malalaman na may heartbeat parin po si baby hanggang ngayon? 12weeks na po kami. Medyo napaparanoid lang po ako kasi may mga nababasa po ako na post na huminto daw development ng baby nila at certain weeks tapos need na nila maraspa. Hindi po kasi lumalaki tyan ko. Baka nahinto na din po development ni baby? May manifestation po ba kung ganun? Like sasakit ba puson ko para malaman ko somehow na may something wrong na pala, or what po? Sorry po ftm po kasi. Last na check up ko po kasi wala naman ginawa yung OB sakin, 10weeks po ako nun. Pinaglalaboratory nya lang po ako at sabi lang ituloy lang yung prenatal vitamins. Sa feb28 po next visit ko sa OB. Salamat po.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala pa talagang ibang gawin yung OB kasi 1st trimester ka pa naman. As long as regular visit ka sa OB, naread ang heartbeat every prenatal mo.. Regular dapat magtake ng prenatal vitamins.. And most specially, avoid reading or asking stroies such as nawawala heartbeat at the certain weeks, kasi hindi porket experience yun ng ibang mommies, ma e-experience mo din yun. Every pregnancy is unique, kaya wag itulad ang sarili sa iba mga buntis. Wag palaging nag google ng kong ano2 to feed your negative thoughts, might as well gawin mo, eat healthy foods, avoid chemicals that couls harm the body, such as whitenings, eat fruits, drink more fluids to avoid UTI/other infections, by hygeinic din. At higit sa lahat kahit hindi pa naririnig ng baby mo talk to your baby always and pray for safety and healthy baby. You will eventually know the progress once aabot ka na ng 5 months up.. maliit pa talaga tyan kong 12 weeks kaya wag mag isip ng kong ano2

Magbasa pa
2y ago

Agree!

Naku, negative thinking/ overthinking, leads to stress. at stress, yan po ang isa sa mga nakakapahamak sating mga nagbubuntis.. (as per experience ha sa unang baby ko at based na rin sa sinabi ng OB ko) wala kang ibang way kundi magpaultrasound ulit kung gusto mo talaga mapanatag. Magdasal ka ng sobra kasi yun lang din ang kinapitan naming mga buntis during our 1st trimester kasi lahat naman di talaga lumalaki (agad) ang tyan ng ganyang weeks pa lang-12weeks. Saka yan lalaki pag 6-7months na nga (lalo kung ftm ka di pa mahalata talaga) Maging healthy ka lang, mind and body, avoid ng stress at negative thoughts. inumin ng tama ang mga vitamins na nireseta sayo. alam mo ba na kung ano ang laging iniisip , yun po ang nagyayari? kaya wag kang magisip ng di okay.. kausapin mo lang din ang baby mo kahit di mo pa ramdam. also. yung monthly check ups mo, pumupunta ka, at nagtatanong sa Ob mo. goid communication sa OB mo, makakatulong sa pagtanggal ng anxiety mo. Be proactive pag nagpapacheck up ka rin, meaning ask whatever na di mo maintindihan, gusto mong malalman sa OB mo..

Magbasa pa

Hindi maiwasan dito mommy ang makabasa ng concerns ng ibang mommies. Pagdi po ninyo concern, try not to read nalang po para di magworry. Ako nakakabasa ako nung una, i have learned to skip pagdi ko need ang info para hindi yun ang finifeed ko sa isip ko. Yes nagwoworry din ako and other mommies syempre after a month pa bago makabalik kay OB for another check up pero best way po habang di pa appointment kay OB is to stay safe and healthy para di magworry. Will also consider doppler pero pag5 months and up na ako bibili kasi hindi pa raw nababasa ng below 5 months para iwas stress and worry din. Kaya po natin iprevent ang maging paranoid to help us not stress too much while being pregnant. Yes di mawawala ang pag aalala pero ipagdasal natin na safe tayo at healthy and ako kinakausap ko si baby and dinideclare ko na safe kami. Just be positive. Choice po natin maging positive.

Magbasa pa

nakakapraning talaga yan mi. same tayo. ako going 28 weeks, may single cord coil si baby kaya lagi nakamonitor sa doppler na binili namin ni hubby. worried ako kase possible sya masakal sa loob. nung 21 weeks naman sa CAS niya, both mild dilated yung ventricles sa brain niya and thanks God naging normal na🙏 always sunod kalang sa advise ng OB mo mi tapos follow the check ups and take your prenatal vitamins tsaka eat ng healthy foods. wag karin masyado mag gagalaw kase maselan ang first trimester. as long as normal din heartbeat ni baby mo sa ultrasound niya 120-160 bpm no worries yan. bili karin ng doppler mo to monitor heartbeat ng baby mo☺️

Magbasa pa
2y ago

yes mi mas ok if kasama mo si hubby mo lalo na need mo mag aalalay sayo matagal din kase yung CAS almost 30 minutes. PagPray mo din na normal lahat maging results🙏 sakin nung una may both mild dilated yung ventricles ni baby pero thanks God answered Pray normal na size ng ventricles niya☺️♥️

my friend lost her baby few months ago. 1st tri sya 1st ultrasound may heartbeat si baby. after 2 weeks ultrasound ult, wala na heartbeat c baby. wala sya naramdamn symptoms or what. problem? tingin nmin di sya naasikaso maigi ng ob. 1st ultra sound nya, nasa 110 lang ang heartrate ni baby. tho maybe considered normal, still, the count is too low compared sa others na umabot agad ng 160+ on 1st tri. wala niresetang gamot and di nagbiay ng possible outcome si ob that may result for having that very low heartrate po. in short di naagapan. if ok nmn heartbeat ni baby on 1st ultrasound, no need to worry po.

Magbasa pa

relax lang po ako nagpa transv ako nung 10weeks na nakita na din na may hb na si baby, tapos nagpa checkup ako ulit nung nag 13weeks na ko ginamitan ako ng doppler di narinig yung hb pero sabi sakin nung ob maliit pa daw kase si baby kaya di pa narinig pero di ako nagisip agad ng nega basta ituloy lang pag inom ng mga vitamins & eat healthy. magpapa checkup ako ulit sa sunod sure na ko na maririnig ko na hb ng baby ko ☺

Magbasa pa

ganyan po tlga sa una nakakakaba lalo na sa mga ganyang week tas ung may masakit p sayo nkakabahala feeling mo pagmaymasakit anytime bka duguin k pero I'm always pray kay God na ingatan nya baby ko bute na lang sa ob. ko may pangultrasound sila kaya kada check up namomonitor nmen si baby sa loob at netong nkaraan 3months na ko nkita nmen si baby sa ultrasound gumagalaw na sya ang hb. nya is 174 kaya praise God d nya pinababayaan baby ko

Magbasa pa

Mi relax lang po. Basta inumin mo lang po mga vitamins na reseta ni OB sayo. Masama po kasi magisip ng magisip. Ako po noon monthly ang check up ko para din namomonitor ko si baby. Kaya di ako nagworry nun. About naman po sa tyan mo. Ako po noon mga 6 months nung lumaki na talaga sya. Basta mi pag may tanong ka about your pregnancy lista mo po then pag visit mo kay OB itanong mo po sa kanya. Wag ka po masyado magworry mi.

Magbasa pa

nakakaparanoid talaga mi. Pero thankful kanalang kasi di mo maranasang mag spotting o bleeding na naranasan ko 2 times. kaya every 2 weeks non naka tvs ako. Ngayon nasa 21 weeks na ko praning pa din. Mahilig din ako magbasa sa google lalo na pag dating sa mga abnormalities etc. Kaya kabado rin ako ngayon pag nagpa Cas na ko. Sabi nga nila walang safe stage sa pagbubuntis. Patibayan nalang talaga ng loob.

Magbasa pa

At that week mi UTZ lang makaka detect ng FHT ng baby kasi early pa. Kasi ako 2nd tri nag dodoppler nako it depends pa sa position ni baby di mahanap kagad . Dont worry mastress ka kasi pag ganyan pray lang na every thing will be fine sa baby mo. Regular consultations sa OB mo ,take you prenatal meds, and take good care sa self mo para maging healthy si baby mo and wala di magandang mangayri

Magbasa pa