Baby heartbeat

Hi po. 6weeks na po ako nung una kong nakapagpacheck up sa OB at nag transv ultrasound din po ako nun. May heartbeat naman po si baby at wala din naman po akong bleeding/spotting. Ngayon po nag woworry ako. Pano ko po ba malalaman na may heartbeat parin po si baby hanggang ngayon? 12weeks na po kami. Medyo napaparanoid lang po ako kasi may mga nababasa po ako na post na huminto daw development ng baby nila at certain weeks tapos need na nila maraspa. Hindi po kasi lumalaki tyan ko. Baka nahinto na din po development ni baby? May manifestation po ba kung ganun? Like sasakit ba puson ko para malaman ko somehow na may something wrong na pala, or what po? Sorry po ftm po kasi. Last na check up ko po kasi wala naman ginawa yung OB sakin, 10weeks po ako nun. Pinaglalaboratory nya lang po ako at sabi lang ituloy lang yung prenatal vitamins. Sa feb28 po next visit ko sa OB. Salamat po.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala pa talagang ibang gawin yung OB kasi 1st trimester ka pa naman. As long as regular visit ka sa OB, naread ang heartbeat every prenatal mo.. Regular dapat magtake ng prenatal vitamins.. And most specially, avoid reading or asking stroies such as nawawala heartbeat at the certain weeks, kasi hindi porket experience yun ng ibang mommies, ma e-experience mo din yun. Every pregnancy is unique, kaya wag itulad ang sarili sa iba mga buntis. Wag palaging nag google ng kong ano2 to feed your negative thoughts, might as well gawin mo, eat healthy foods, avoid chemicals that couls harm the body, such as whitenings, eat fruits, drink more fluids to avoid UTI/other infections, by hygeinic din. At higit sa lahat kahit hindi pa naririnig ng baby mo talk to your baby always and pray for safety and healthy baby. You will eventually know the progress once aabot ka na ng 5 months up.. maliit pa talaga tyan kong 12 weeks kaya wag mag isip ng kong ano2

Magbasa pa
2y ago

Agree!