Negative in Home Pregnancy Test
Hello po. 2 months delayed na po ako and nakakaramdam ako ng mga symptoms ng pagbubuntis. Nakakaramdam ako ng pagkahilo at sobrang naglalaway din po ako. Lagi akong tulog kasi feeling ko lagi akong pagod. Mejo sumasakit na din yung puson ko pero minsan lang. Madalas din manakit yung balakang ko. Lagi akong naiinitan at kada gigising ako sa umaga masakit lagi ulo ko. Dahil sa nga nararamdaman ko, naisipan kong mag take na ng pt. Pero yung result negative, tapos naisipan kong pumunta sa manghihilot dahil sobrang sakit na ng balakang ko. Tapos pinulsuhan nya ako sabi nya kaya daw masakit balakang ko kasi daw buntis ako, malakas daw pintig ng pulso ko sa gitna ng collar bone ko. So ulit ginawa kong mag pt pero negative. After a week, di pa din nawawala yung mga symptoms at nagtry nko ulit mag pt pero negative pa din. Then sunod kong ginawa nagpa check up nko dahil dumadalas na talaga yung pagkahilo ko at palagi nkong hinihingal. hirap nko sa paghinga. sinabi ko sa doctor yung mga nararamdaman ko. tapos kinuhaan nila ako ng dugo at urine. tapos hinintay ko result then negative pa rin daw ako sa pregnancy test. at yung result naman sa dugo. bumababa daw yung hemoglobin ko at kulang daw ako sa iron kaya niresetahan nila ako ng gamot for iron at sa pagkahilo. Pero di pa din ako kampante kasi kapag nakahiga ako ng tuwid, nararamdaman ko yung pintig ng pulso ko pati may tumitibok sa tyan ko. Mga mommies ano po sa tingin nyo yung nararamdaman ko? Naguguluhan na kasi ako.