Go to meal pag walang gana kumain

Hi po :) 1st time pregnant here on my 9th week. Wala po akong ganang kumain lately kahit nagugutom ako. I know na need kumain for the baby pero gusto ko po makahingi suggestions ng go to meal nyo po if ever naexperience nyo din. Thank you in advance 😊

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

fruits po ang kinakain ko kapag nagsusuka ako at walang gana kumain then kapag may cravings po ako binibili agad ng mister ko para lang po makakain ako. Suggest ko po skyflakes, bread, milk and fruits. Small frequent meals lang po para nalalamanan po sikmura niyo at di kayo mag weight loss

Buko shake, ripe mangoes, skyflakes, boiled white corn, boiled egg, tsaka po soup. Ganyan din ako nung 6weeks-11weeks. Wala akong gustong pagkain that time. Mejo iba iba na ngayong 12th week. Drink more water momsh ha para di ka madehydrate 🤗 important kay baby yun

Try mo rin po manood ng mga food videos baka po sakaling magcrave ka at ganahan ka kumain kasi ako ganun po ginagawa ko minsan

oatmeal or bread basta may kainin ka at may vitamins.

manood ka maukbang sis sa tiktok ,gumagana sakin

fruits, biscuits, fresh melon at buko juice.

Biscuit , Bread and Milk po.