Please Help. :(
Please help me to understand. Lockdown ngayon so nahihirapan talaga ako maghanap ng clinic para magpacheck up. First day ng last mens ko is january 21. 4 days po ako nagkaroon. Bale feb 5 may nangyare samin ng bf ko. Feb 20 onwards hindi na ko nagkaroon. Eh regular po ang mens ko. March 10 po nagpa trans v ako and may nakita ng SAC, pero wala pang baby. Then expected ko buntis nga ako, march 20, nagkaroon ako ng brownish discharged nagpa trans v ulit ako, then nakita duon na walang/wala pa heartbeat ang baby, 5weeks ang nadetect sa ultrasound. Then sabi kapag dinugo ako high chance of miscarriage, kinabukasan dinugo na ko, 3 days din heavy bleeding, tumigil din agad. Then akala ko wala na talaga pero walang lumabas na buo nun na dugo kaya nagpacheck up ulit ako to check kung may natira pa sa matress ko, kase ayoko maraspa, ayun nag pa trans v ulit ako for the 3rd time march 26, nakita may baby pa din at may sac. At sinabe sarado pa daw ang cervix ko kaya di muna ako pwede iraspa. At hindi rin talaga nila ako binibigyan ng gamot para pampadugo or pampabukas ng cervix. Pero sinasabi ng iba masyado pa daw maaga para madetect ang heartbeat ng baby. Usually 8 weeks pa daw bago makita, at meron daw talaga dinudugo sa early pregnancy stage. Kaya di ko po alam, gusto ko mag pa 2nd opinion, tanggap ko naman na wala na talaga. Pero baka nga may chance pa? Baka may nkaranas :(