Hi po. Ask ko lang ano po pwedeng inumin o gawin kapag na miscarriage ka?
Nagpa trans v kasi ako nung Feb 1st week then wala pa daw ma appreciate na heartbeat kay baby, 8 weeks and 5days na ko preggy nun. Nag wait nalang ako mag 3mos then ngayon pong March nagpa trans v ulit ako. Same sa unang trans v ko ang result, walang heartbeat hindi daw gumagalaw si baby. Pero sa 2nd trans v ko ngayon 7 weeks and 1 day age of gestation daw. Ibig sabihin ba nun 7 weeks and 1 day palang si baby wala na talaga? Tinanong ko ano gagawin pag ganun ipaparaspa daw. Ang problema don't have enough money po para magpa raspa. Nag bleeding din ako nung February at ngayong March. Pero wala masyadong buong dugo. Meron sya pero maliit lang. Ano po kaya ang pwede gawin o inumin if hindi kaya ang magparaspa? Salamat po sa sasagot.