5weeks and 4days trans v

Hello! May nakaexperience po ba sa inyo na nagpatrans v at ang result sac palang daw wala pang fetus and after 2 3 weeks daw patrans v ulit? Ang bilang po ng ob 5weeks ang 4days .pero base sa trans v 5weeks and 2 days pero wala pang fetus

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako unanh tvs ko 6 weeks and 2 days ata sya nun. Ges sac palang walang embryo kahit yolk sac. Tpos pinabalik ako after 2 weeks 7 weeks and 3 days naman nakita na dpat 8 weeks na sya. Ng worried ako kaya nirefer ako ng OB ko after 1 weeks sa mas hightech na tvs machine na 4D na raw. And un nakita na meron na syang embryo and yolk sac at hearbeat meron na rin. Try nyo po pa tvs sa iba.

Magbasa pa
4y ago

Opo sis salamat...sna mgkaheartbeat na si baby...sa friday...🙏

same here 5 weeks and 4 days base sa ultrasound. may gestational sac na pero no yolk sac nor embryo seen yet kaya po uulit ako ng ultrasound after 2 weeks.. ang mas worried po ako now is my nakitang subchorionic hemmorhage kaya im on my bed rest for a week to avoid threatend abortion.. 😭 this is our first baby kaya praying na after 2 weeks magkaheartbeat na sya at makita na sya.. 🥺

Magbasa pa
1y ago

ano ung multivitamins mo sis and folic? quatrofol 35omg sya..kso walang stock mron ako ung 5mg lng na folic ok lng kaya un??

yes po, nung nagpa transv ako less than 5weeks palang daw, wala parin syang heartbeat pero niresetahan nako ni OB ng pampakapit saka folic, then after 2weeks balik ako sa kanya and thanks god meron na syang heartbeat, my baby is 6weeks and 2days nung nalaman kong may heartbeat na. 😇 Pray lang po, wag ma stress, and kausap usapin mo din si baby.😇

Magbasa pa
4y ago

Same po tayo. Di tlaga minsan nag tutugma ang unang tvs sa susunod na tvs. Try and error nga sabe

Sis maaga pa masiado, ako 6weeks and 1day saka ako nag trans.v. Kita na ang baby subrang liit pa, ma mani mani pa siya. Pero meron ng heart beat, mahina nga lang 95 beats per minute. Pero kahapon ultrasound na ako kasi 7 weeks and 5days kitang kita na ang baby at ok na ang heart beat niya 162 beats per minute. Dina ako trnas.v ng ob ko kasi kita na daw

Magbasa pa

Yes. When I found out ba buntis ako, nag pa-check ako agad, nun na-ultrasound, sac pa lang daw. Mag antay 2-3 weeks bago ulit iultrasound. Kasi need mo din antayin kung mag develop si baby or hindi(bugoke pregnancy). Then pag past mga 6 weeks but better if mga 7 weeks, pag ultrasound mo ulit, maririnig mo na heartbeat ni baby. Hope this helps! =)

Magbasa pa

Yes po ako din,yesterday po nagpa check up ako wala makita hearbeat at fetus natatakot ako kinakabahan kasi pinababalik ako sa july7 para mag ultrasound ulit kung ala pa din daw,iraspa daw ako. please pray for my baby na sana my hearbeat na 🥺🙏

Hello po.yung akin po nag patrans v ultra sound ako pero base sa result yung gestational sac ko is 6 weeks and 3 days na pero wala pang baby. Pinapabalik din ako after 2-3 weeks. Medyo kabado po huhu

Bka masyado pang maaga sis un transV.. Aq nun nagpatransV 6weeks6days na sa bilang ko.. Pero lumabas n wiks sa transV ko 7weeksand5days na agad.. May heartbeat na din sya

yes momsh gnyan ako dati wala pang baby sac plng nakita nila nagpalit ako ng clinic after 2 weeks nagpatrans v ako ulit 10 wks na si baby may heartbeat na ..

Yes usual kasi papaytans v ka ng OB pag 6weeks and up na then depende sa result nun if papaulit ka pa after 2 weeks for follow up kung may heartbeat. 😊

4y ago

Opo minsan di tlaga sya nagtutugma. Pray kalanh sis.