Hello! Pinapalatch ko si baby lagi sakin pag gutom siya kaso may time na after ilang minutes eh iiyak na siya at sobrang iritable. Tinry ko na lahat para dumami gatas ko. Pump, unlilatch, sabaw, malungay soup at capsules at lactation cookies. Tumutulo naman minsan gatas ko pero the moment na mag latch siya nauubos nya agad at humihina na ng husto ung tulo pag minassage ko after nya magdede. Sobrang nakaka worry lang at stress na makita na ganun anak mo tapos sasabihan ka pa ng “ay gutom yan”,”wala ka na gatas?”, “kawawa naman nagugutom”. Naffrustrate na din siguro ako kase tnry ko naman padamihin gatas ko. 2months na si lo.
Dapat ko na ba siya bigyan ng formula pag ganon at di ko nalang istressin sarili ko sa pag try ilatch kahit sobra na iyak nya at gutom? Need inspiration and suggestions from experienced moms. Tia!