Pinapalaki mo ba ang iyong anak ayon sa kung paano ka pinalaki ng iyong mga magulang?
Pinapalaki mo ba ang iyong anak ayon sa kung paano ka pinalaki ng iyong mga magulang?
Voice your Opinion
Oo
Hindi. iba na ang mundo ngayon

4149 responses

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

No No No nag anak lang ng anak ang parents ko so inabot kmi ng 8 hindi nila kami inalagaan hinahayaan lang nila kami. Mga kapatid ang nagbabantay sa mas maliit na kapatid na di nmn marunong mag alaga. Ending? Merong nahulog sa punong kahoy, sa balon, nakuryente, nabuhusan ng bagong lutong ulam at may baby na gumapang palabas ng kalsada at muntik masagasaan ng truck. At yung parents ko? Ayun nasa sayawan, inuman o sinehan. Hanggang sa naaksidente si papa sa motor at nagwork si mama mas lalong walang umintindi sa mga anak nila kahit pagkain. Andun yung aakyat ng mangga, buko at kung anu ano pa pra lang makakain. Pero pag sa ibang tao pakitang gilas sila. Maghahanda ng marami pero hindi kakain ang mga anak hanggat hindi tapos kumain ang mga bisita. Papainumin ng alak ang mga kumpare kahit walang baon at makain ang anak nila. 4am pa lang nagwawala na silang dalawa sa away, basag dito basag dun. Araw araw yan ang aalmusalin nyong magkakapatid. Panty? Isang beses ka lang bilhan sa buong buhay mo. Lotion, lipstick at pulbo? Sasabhin pang matanda at hindi pwede sa mga dalaga nyan anak. Sya nakapustura at ang mga anak, kala mo anak ng pulubi. Walang magaakala na mga anak sila ng dentista. Walang nagbbirthday. Pinamigay pa ko ng 1 yr sa kapatid nya pra alagaan ang lola at gawing katulong sa bahay, bugbugin nila at namolestya pa ng tiyuhin. Grade 3 ako nun. To think na ako na ang bunso at babae pa. I will NEVER!!!raise my children as what my parents raised us. No hindi pla nila kami niraise, kusa na lang lumaki. Survivors. Good thing? Nsa province kami nun, natuto maging resourceful at maging tarzan πŸ˜‚

Magbasa pa

Yes! I admire my parents when it comes to parenting. When mama said No, No na dapat hindi na pedeng sumang-ayon si papa nor sila lola at lola. Kapag kailangan paluin paluin basta after papaliwanag mo kung bakit mo sya pinalo no to amo amo. And kapag may gusto kang isang bagay you need to work for it hindi pedeng puro hingi hingi. Before I think medyo harsh sila Mama at Papa but habang nalaki ko I realized Nah, it's not harsh they just love me so much na ayaw nila maging pariwara at tatamad tamad ako sa buhay. I learned from a lot from my parents and grandparents. Na kahit nagger si Mama at kuripot hindi sila nagkulang samin.

Magbasa pa

Opo kase Yung magulang ko mabuting tao kaya ganun Yung naging pagkatao ko dahil sa pag papalaki nila kaya Naman ganun din yung ginagawa Kung Pag papalaki. Sa anak ko upang maging mabuting tao sya maging masipag at mabait ayun lagi Kung sinasabi sa anak ko na lagi Rin sinasabi sa akin ng magulang ko

noon walang gadgets/ walang social media.. noon pwede paluin/isabit sa puno/isako/paluhurin sa asin at monggo ang mga anak pero hindi sila magdaramdam ngayon pagalitan mo lang mga bata.. ma dedepress na... kaya yung disiplina ngaun may kaibahan na..

Mas gusto kong lumaki ng mas maayos ang anak ko ngayon kaysa sa akin noon. Marami kaming itinuturo sa kanya na paniguradong magpapabuti sa asal at pagiging tao nya.

Hindi . Lumaki kase ako sa higpit lagong pinapalo. Napapalo ko si baby pero di kasing tindi ng naranansan ko noon

VIP Member

No. My husband and I have our own parenting style na malayo sa style ng parents q. We usually learn sa mentors namin.

Maganda ang palaki ng nagulsng ko kung nakinig lang ako o sumunod dahil hindi ako spoiled ng parents ko

VIP Member

ayokong matulad sila sa mga walang modo na mga bata sa paligid lalo sa amin sa baryo

VIP Member

mas maganda paren ung pagpapalaki ng mgulang nuon kesa ngayun.