Pinaglalaro nyo ba ng toy guns ang mga anak nyo?

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Babae ang anak ko pero hindi namin sya nililimitahan sa pag lalaro ng pang lalakeng laruan. In fact binilhan sya ng husband ko ng basketball na may kasamang ring at meron din sya toy car. Pero ang baril, para sa akin, hindi na kailangan i-introduce. Pag dumating ang tamang panahon na naiintindihan na nya ang lahat ng sasabihin namin, i-explain namin na ang mga may authority lang ang nagdadala ng baril like policemen and soldiers. I-explain din namin ang real purpose ng baril kung bakit meroon nito at kung para saan.

Magbasa pa

Yan ata ang laruan na hindi ko muna ipapalaro sa anak ko. Malamang sa malamang kase na isisipin nya na normal lang ang may mga baril at baka pag dumating din ang tima na kailanganin din namin bumili ng real gun for our safety and protection ay akalain nya na laruan ito kapag nakita nya. Of course, iisaalang-alang din namin yung proper storage ng gun for safety. Meron namin kase basic training and seminar at certification yan e bago ka maka kuha from any legit gun store.

Magbasa pa

Hindi ko pinaglalaro ang anak ko ng toy gun, ayoko kasi maisip nya na laruan lang talaga un. Sa TV pa lang kasi nakikita na nya minsan sa mga teleserye. Natatakot kasi ako bka pag nakakita siya ng totoong baril paglaruan nya. Well hindi ko naman hayaan mangyari yun pero ngwoworry pa rin ako

Mukang hindi lalo na kapag pellet gun kase napaka delikado at prone maka aksidente.

Nerf gun lang kase our friends and our kids use to play nerf wars regularly.