Excited FTM

Picture muna bago labhan bukas ni hubby yung mga malalabhan. 😁 Nahahappy akong e arrange to ngayon, meron pa ngang iba na di ko na nasali kasi wala ng space. Lahat ng to inunti unti ko simula nung July, wala na kasi akong work mula March pero yung company namin is binigyan kami ng special pay hanggang May, tas mero rin akong savings sa COOP namin na winidraw ko lahat at yung Salary Loan ko sa SSS. Lahat ng perang yun inipon ko, panggastos sa araw2 namin ni hubby since wala rin syang work March to June. Tas nag tabi rin ako ng pambili ko gamit ni baby kinwenta ko lahat umaboy talaga cya almost 12k e, sa shopee ko lahat to binili. Pero ok lang dahil first baby ko to, at cya yung rainbow baby ko dahil nagkaron ako ng ectopic last 2018. Kaya masayang-masaya akong namimili ng gamit though di ko pa alam gender nya pinili ko talaga yung mga neutral colors at yellow sa ibang gamit tas nung August nalaman na naming baby girl dinadala ko so ayun, mga onesies, frogsuits, medyas, bonnets, headbands etc. yun nlang inaadd ko na may pang girl na hues talaga . Last kong nabili tong EQ NB at EQ S sa 9.9 sale sa Lazada Ngayong Oct.6 nalang namin bibilhin yung mga essentials ko at ni baby. Tas magreready na sa hospital bag. Baka kasi mangitlog ng mas maaga, sa latest utz ko umatras cya ng Nov. 3 eh, sana nga lumabas cya sa last week ng Oct, sa mismong Bday ng Papa nya. Goodluck and God bless sa lahat ng Team Nov. at Team Oct. galingan natin sa pag ire mga mamsh. Excited na talaga ako makita baby girl ko e. hehehhehe. May God guide us for our safe delivery sooner, and provide kung ano mang kulang pa sa tin samahan lang ng tyaga.

2 Replies

VIP Member

Same tayo momshie! Si hubby ng bahala sa labahin. ❤️ Perla white pinagamit ko. Payo ng matatanda. :)

magkano po pinrepare nyo para sa panganganak nyo?

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles