Patricia Bais profile icon
PlatinumPlatinum

Patricia Bais, Philippines

VIP Member

About Patricia Bais

Hannah's gorgeous mommy. ❤️

My Orders
Posts(34)
Replies(1712)
Articles(0)

Nakaraos din! ❤️

EDD: October 29, 2020 DOB: October 16, 2020 Delivery Type: NSD Weight: 3.62kgs Finally nakaraos din! Pinakahihintay na sandali talaga na maipanganak na si baby. Lahat ng sakit super worth it! ❤️ Share ko lang experience ko. Sa mga madalas po na makakita sakin sa comment section, alam nyo po na diagnosed akong GDM pero nadaan sa diet pero di pa rin napigilan lumaki si baby. September 19, 2020. Na-admit ako kasi nagpi-preterm labor na pala ako ng di ko alam. Cervix open dilated to 1-2cm na at wala man lang ako nafifeel. 3 days din ako nagstay sa hospital para mapigilan paglabas ni baby dahil 35 weeks palang sya nung time na to. Pwede na mailabas si baby after 2 weeks kaya strict na bedrest ako hanggang mag October 6. October 6, 2020. Follow up check up plus titignan kung in labor na ba ako. IE sakin 2cm palang. Simula dito every week akong NST para macheck heartbeat at movements ni baby. Every day na lumilipas, medyo nanghihina na ako sa gastos kasi hindi lang naman NST pinapagawa sakin. May ibang tests din like BPS at mga blood chem. October 16, 2020. 2nd NST ko bumababa daw heart rate ni baby at need na sya ilabas. Imagine the horror na ako lang mag isa sa hospital. Wala akong dalang kahit na anong gamit at papel maliban sa request for NST. Pinapa admit na ako kahit na wala akong kasama. Pinababa ako for admission pero wala namang bantay kaya nilakasan ko loob ko at nagdrive papunta sa work ng asawa ko kasi di sya sumasagot sa calls. Umuwi muna kami samin para kunin lahat ng gamit namin for admission. Lumipat kami ng hospital kasi may preferred talaga kami. Around 2pm nakahiga na ako sa labor room para ma-induce. Relaxed lang ako hanggang sa mafeel ko na pasakit ng pasakit. 3pm, 3cm pa rin ako. Medyo kinakabahan ako kasi yung katabi ko sa labor room, mag iisang araw na syang stuck sa 6cm hanggang sa madesisyunan ng OB nya na CS na sya kasi nagpupoops na sa loob baby nya. 6:45pm, nagising ako sobrang sakit na talaga. Nakakabaliw ang sakit. Hindi ko mapigilan umiyak at sumigaw sobrang sakit. 7pm, IE sakin 7cm na. Binigyan ako ng pain reliever then nakatulog ako. 8:00pm, ginising ako kasi fully dilated na daw. Naramdaman ko na naman sobrang sakit. Dito talagang sigaw na ako ng sigaw. Di ko na mapigilan sobrang sakit tapos dinala na ako sa delivery room. Pakiramdam ko lalabas na talaga sya pero sabi ng mga nurse, kahit umire ako hindi pa lalabas. Pina ire nila ako para bumaba na lalo si baby. Hindi ko na masyadong maalala pero basta nagising ako dumating na OB ko at sinimulan na talaga yung pagpapaanak sakin. 9:44pm, baby is out. Nakaraos din. ❤️❤️ Salamat di ako pinahirapan ni baby at salamat hindi ako CS kahit malaki sya. ❤️

Read more
Nakaraos din! ❤️
undefined profile icon
Write a reply