asking mga moms may chance po ba na mabilis mabuntis ang mga may PCOS ?

PCOS problem

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Based with my OB kahit po may PCOS ang girl meron at meron pong chance na mabuntis. Hindi ko lang masasabi kung mabilis o mabagal ang process lalo iba iba tayo ng katawan. 😊 4yrs kami ni hubby nag-do bago ako nabuntis. 8mons preggy now. 💗 Actually, di naman ako nagpa-alaga sa OB para mabuntis. Nagpacheck lang po ako para maging regular mens ko. Sinunod ko lang mga do's and dont's. After a year or so, I unexpectedly got pregnant. Siguro po kung ibibigay na ni God, yun na yon. Pero much better if magpa-alaga sa OB if gusto nyo na pong magkababy talaga. 💗

Magbasa pa

sa 1st baby ko 1 year after kasal namen bago nag ka baby..... may PCOS ako right ovary ko... pinag diet at at may tinake akong vitamins from OB ko nabili..... and sa 2nd baby ko mabilis lang ako nabuntis.... nag plan kami August for 2nd baby then September buntis na ako.... dalawa na PCOS ko nyan.... right and left na.... wala ako tinake na vitamins sa 2nd baby.... I'm 7 mos. preggy now.

Magbasa pa

meron po. may mild pcos ako sa left ovary, pregnant po ako ngayon. nagpaalaga ako sa ob ko bago ako nagbuntis. try nyo po magpaalaga sa Ob-REI, hanap po kayo sa lugar nyo naghahandle po sila sa may pcos. nagtake din ako ng mga vitamins para mapaganda egg quality ko. maghanda lang po ng funds dahil mahal po mga vitamins

Magbasa pa

Meron po akong PCOS, both ovaries po. Pero nagttry lang din kami palagi ng husband ko. Wala po kong ininom na gamot. Pero nagbawas po ko sa food, di po ko nagbbreakfast (16 8 fasting). Ang pagkain ko is nagsstart ng 12nn hanggang 8pm lang. Pregnant na po ko ngayon 10 weeks 💗 Salamat sa Dios. 💗

9mo ago

ginawa ko tong fasting. nagwalk and jog din ako. nagcut sa sweets and carbs

yes ako may pcos both ovaries hindi ako nagkakaroon unless iinom ako pamparegla tpos nagka bara sa fallopian pero na flash out.. dmi ko pinagdaanan na mga test.. daming ob na din napag daanan ko.. luckily after 8yrs of trying nabigyan na din ng chance magka baby due ko sa September..

ang tanong is mabilis - hindi po. kaya need mo magpaalaga sa OB. para madetermine ang best option and medication for you. alaga talaga ang kailangan. if ang tanong is pwede, yes pede. also pedeng maging madali ang journey mo. pero pede ring maging mahirap due to some reasons.

paalaga ka sa ob GYN, para mabuntis ka, may PCOS din ako, both ovaries, as in hindi ako nafefertile,walang akong egg cell, kala ko wala na akong pagasa magkaanak, may 5 years old na ako and I'm currently 5months pregnant. wag mawalan ng pagasa, pray lang at diet.

Ay hindi po mabilis mabuntis ang mga may PCOS,or rather Hormonal Imbalance. Kase di niyo po alam kung kailan kayo nag oovulate or nag oovulate po ba kayo ng maayos due to hormonal imbalance nga po.

Hi momsh, may chance po tayo mabuntis, hindi man ganun kadali pero yes kaya po magbuntis nating may mga PCOS. mas maganda to visit your OB para mas maguide ka kung ano ung mga need gawin.

yes Basta pa check ka sa OB-GYN para alam mo gagawin mo para magkababy ka agad☺️ my PCOS din Ako And 23 weeks nko preggy ngaun♥️🤰