Sama ng loob sa mga kapatid at nanay

Pavoice out lang ng sama ng loob mga momsh 😭 sobrang sama ng loob ko at wala akong mapagsabihan. 22weeks preggy ako at super selan, dalawang beses na rin ako nakunan kaya iniingatan ko na tong pangatlo. Pero sa sitwasyon ko ngaun para sa side ko nakakastress 😭 Noong hindi pa ako buntis lagi ako tumutulong sa mga kapatid ko inaalagaan ko ung mga anak nila ng walang kapalit, kami ng asawa ko nagpadiaper at nagpagatas, kapag bday ng mga pamangkin laging may pacake at regalo, minsan kahit walang occasion nabibilhan ko ng gamit mga pamangkin ko pero ni minsan d ako nakarinig ng SALAMAT 😭 pero wala ng problema sakin dun kaya lang ako pa talaga makakarinig ng di maganda. Kpag nagkakasakit mga pamangkin ko tumutulong ako sa pag aalaga at financial. Ngayon ako naman ang nangangailangan ng tulong nila pero gusto nila may BAYAD 😭😭😭 at ang gusto pa ng nanay ko bayaran ko daw isa sa kapatid ko na pwede ko makasama dto sa bahay πŸ˜₯😒 . Sobra akong nahihiya sa asawa ko na sobrang bait at maunawain 😒 Ngaun ko napagtanto na kahit mga kapatid mo na tinulungan mo noon hindi ka matutulungan kapag ikaw naman ang nangailangan. Nagpapasalamat na lang talaga ako kc najan lang lagi asawa ko hindi ako pinapabayaan. Pero nakikita ko ung paghihirap nya araw araw sa trabaho at gawaing bahay 😭😭

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1.) kung tutuusin pwede ko makasama nanay ko dto sa bahay dahil wala naman sya trabaho at gawa sa bahay pero mas gusto nya pa magsugal kasama ng kapatid ko.

2.) sana nga malakas pa biyanan ko para may nag aalaga sakin, nung panahon na nakunan ako sa una at ikalawa biyanan ko lang ang tumulong samin.

Related Articles