About my 2 year old baby girl

This past few weeks napapansin ko nagiging aggressive yung panganay ko kapag may ayaw siyang bagay bigla na lang siya namamalo kahit kaming parents niya pinapalo niya. Lahat ba talaga ng baby dumadaan sa gantong stage? Kase napapaisip ako baka may mali akong ginagawa kaya siya nag kakaganun. Pangalawa, ang hirap niya pakainin nag vvitamins naman siya.. alam ko na kung ano yung particular food na gusto niya pero may time na kahit yun ayaw niya kainin. :( and last, namumuyat parin siya hanggang ngayon diba dapat kapag dalawang taon na deretso na yung sleep sa gabe? Siya hindi para parin siyang 4 months old baby na umiiyak sa gabe daig pa niya yung bunso niyang kapatid. Please help! Ganun din ba baby niyo? I dont know what to do lalo na sa attitude niya. ?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same case tayo sis. Sabi kase nila terrible two's talaga ang stage na yan. Di nila kaya iexpress yung galit nila or i-handle. Mahabnag pag intindi lang sagot po dyan and lagi bigyan atensyon. Sa pag tulog nmn po, try niyo maaga gumisng sa umaga at siesta time para madali sila antukin. Sa food naman po sis ganun din ako, ang ginagawa ko paunti unti lang ang tyagain. May vitamins din po nakakapag boost ng apetite. Ask niyo doctot niyo about sa mosegor vita kung pwede rin sa baby niyo. Pampagana. Medyo may kamahalan nga lng po

Magbasa pa