About my 2 year old baby girl

This past few weeks napapansin ko nagiging aggressive yung panganay ko kapag may ayaw siyang bagay bigla na lang siya namamalo kahit kaming parents niya pinapalo niya. Lahat ba talaga ng baby dumadaan sa gantong stage? Kase napapaisip ako baka may mali akong ginagawa kaya siya nag kakaganun. Pangalawa, ang hirap niya pakainin nag vvitamins naman siya.. alam ko na kung ano yung particular food na gusto niya pero may time na kahit yun ayaw niya kainin. :( and last, namumuyat parin siya hanggang ngayon diba dapat kapag dalawang taon na deretso na yung sleep sa gabe? Siya hindi para parin siyang 4 months old baby na umiiyak sa gabe daig pa niya yung bunso niyang kapatid. Please help! Ganun din ba baby niyo? I dont know what to do lalo na sa attitude niya. ?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

My 2 y.o and 7mos old boy hindi po. Baby palang sya nasanay sya na pag may bad syang nagagawa. Nagtataas ako ng boses. At sinasabing NO! BAD! ganun. Mahina at malambing kase lagi boses ko sa kanya. Syempre panganay eh hehe. Pero alam nya pag galit na ako. Natatakot na sya. Kaya pag may nagagawa syang bad, iha hug nya ko agad. Di ko muna sya pinapansin kahit nag sorry na sya para marealize nyang bad ginawa nya. Ang bata po kasi gaya gaya. Kung ano makita nya, gagayahin nya. Baka po may nanghihiram kay baby or ibang nag aalaga tapos di nyo napapansin pag nilalaro diba nauuso yung sinasabi na "palo mo si ganun, suntok mo si ganyan". Tapos matutuwa pa. Kaya magugulat ka nalang lalabas yung ganyang ugali nya.

Magbasa pa

Same case tayo sis. Sabi kase nila terrible two's talaga ang stage na yan. Di nila kaya iexpress yung galit nila or i-handle. Mahabnag pag intindi lang sagot po dyan and lagi bigyan atensyon. Sa pag tulog nmn po, try niyo maaga gumisng sa umaga at siesta time para madali sila antukin. Sa food naman po sis ganun din ako, ang ginagawa ko paunti unti lang ang tyagain. May vitamins din po nakakapag boost ng apetite. Ask niyo doctot niyo about sa mosegor vita kung pwede rin sa baby niyo. Pampagana. Medyo may kamahalan nga lng po

Magbasa pa

Thank God at yung dlwa kong anak ndi po nging gnian when they were 2y.o. at that age, when i said no, alam nila n bwal at d sila nag iinsist.. nvr ako napalo o hampas ng mga ank ko ksi pg sinabi kong d pwede , hndi tlg pwede kht mglupasay p. ung tulog po bka po nssobrahan s pgkain ng mga foods na nakakahyper sa bata like chocolates? or nssbrahan sa laro ksi tndency nun iyak tlg pg ksrapan ng tulog. . sa vitamins nmn po baka di niya hiyang ung tine take nia kya ala p dn gana mgkakakain. change the vitamins n lng po.

Magbasa pa
VIP Member

depende po mami ang kanyang pananakit, madalas po kase pag once na may nakikita ang mga bata na nagaaway tas wala halos umaawat feeling nila okay lang un, kaya madalas nagagaya nila ung mga ganung behavior wen it comes naman po sa pagkain nya, may times po talaga na iba iba ang panlasa ng mga bata, try nyo po gawan sya ng pagkain na healthy naman pero parang first tym nya lang makakain, like hot cake ganun po..

Magbasa pa

Baka po nag aadjust since panganay sya at may ading na kasunod. Nung una naging aggressive din panganay ko 5yrs old na sya. To gain attention ksi may ading na. lambingin nyo lang po and kausapin or make a way para maintindihan nyang bad yung ginagawa nya.

VIP Member

pag dating naman sa pagtulog nya sa gabe, dapat talaga pag ganyang mga edad na daretso na ang tulog nyan hanggang kinabukasan na.. lambing lambingin nyo po sya, hanggang sa mawala po ung nakasanayan nyang pagiiyak..

VIP Member

momshie better to ask your pedia baka may nairecommend sya dapat mong gawin. baka may kakaiba sakanya o special sya. sorry momshie, pero dapat open k sa mga possibilities.

Baka po nagseselos kay bunso kaya nagiging aggressive to gain attention. Lambingin nyo po and always tell her you love her po.

Baka naabuse yan sexually