Folliculitis?

Pasintabi po sa picture. Hi po mga moms. Question lang. May nakaranas na po ba ng ganito sa inyo? Nagstart lang po ito sa isang small red bump just like sa pimples. Sinabihan po ako ng OB ko na "pimples" nga siya and mag apply lang ako ng betadine and putukin ko. Pero hindi ko po pinutok, nag wait ako na pumutok po siya ng kusa. Kung kailan po na nagheheal na siya saka naman nagsilabas yung iba. Hanggang sa dumami na po and nagsiputukan na rin po sila kaya mahapdi po tlga kapag nagpee ako. Wala po amoy ang discharge ko and color white lang po talaga siya. I'm currently 19 weeks pregnant and nag start po yung pimple last month po nung kasagsagan ng init. Balik ko po sa OB ko sa June 5. Maraming salamat po.

Folliculitis?
13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamshie mahapdi po ba pagnadampi.an ng ihi ?kasi meron din ako nyan dati pero hindi marami isa lng . Yun ba sabi ng ob sayo folliculitis ?

6y ago

Yes mahapdi po. Miski nga po sa water may hapdi din po, mas masakit lang po talaga sa ihi. Opo folliculitis po sabi niya. Paano po nawala yung sa inyo? Inner lip din po ba nagkaroon sa inyo? Thank you po.