Folliculitis?

Pasintabi po sa picture. Hi po mga moms. Question lang. May nakaranas na po ba ng ganito sa inyo? Nagstart lang po ito sa isang small red bump just like sa pimples. Sinabihan po ako ng OB ko na "pimples" nga siya and mag apply lang ako ng betadine and putukin ko. Pero hindi ko po pinutok, nag wait ako na pumutok po siya ng kusa. Kung kailan po na nagheheal na siya saka naman nagsilabas yung iba. Hanggang sa dumami na po and nagsiputukan na rin po sila kaya mahapdi po tlga kapag nagpee ako. Wala po amoy ang discharge ko and color white lang po talaga siya. I'm currently 19 weeks pregnant and nag start po yung pimple last month po nung kasagsagan ng init. Balik ko po sa OB ko sa June 5. Maraming salamat po.

Folliculitis?
13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi! Salamat po sa mga reply ninyo. I'm using naflora po noon pa man. Wala po kasi inadvice yung OB ko for feminine wash nung nagpacheck ako last month. Pero will ask her po sa friday. Ever since po kasi talagang hindi po ako tigyawatin. Ngayon lang po na buntis. Kung magkaroon man po ako noon usually sa tago na area. Sa UA pa nga po minsan. Will ask my Ob na rin po for urinalysis para po masigurado na rin po kung may UTI ako na pa start na. Maraming salamat po sa inyo.

Magbasa pa
4y ago

Opo. Akin po kasi advice niya lagyan po mismo ng betadine. Inulit ulit ko pa nga po baka kasi feminine wash na betadine. Buti pa po sa inyo nag heal na. Sige po iask ko po OB ko sa friday. Never pa po kasi ako nakapagtry ng betadine na feminine wash. Thank you po ah. Mahigit 1month ko na rin po to tinitiis. Sa tingin ko nga po sa init na ng panahon to eh. Kasi kapag mainit mas irritated siya.

Parang bartholin's cyst po sya. Sa medyo inner labia (labi) ng pwerta mo yan momshie? Malapit sa birth canal? Pacheck mo na lang ulet sa ob mo, pag lumaki kasi sya saka masakit na, usually inooperahan yan, incision (marsupialization) ng mismong site para lumabas lahat ng nana.. Reminder na lang po sa hygiene nating mga babae.

Magbasa pa
4y ago

Magpapacheck po ako bukas. Pumutok po yan. Nag open tapos nag heal. Tapos po may mga lumabas na naman po na "pimple" like then pumutok po ulit pero hindi naman po lumalaki. Feeling ko po irritated na naman po siya sa init. Usually 2x or 3x pa po ako magpalit ng undies everyday. Hugas po ako every wiwi. Kaya hindi ko rin po maintindihan bakit po nagka pimples ako diyan. Salamat po. 😊

Always wash and use safe guard white mamsh baka na iritate kasi naglabasan yung iba make sure na din na malinis kayo ni hubbby before mag do. Get well. 🥰

4y ago

Yes po always linis kinis naman po bago mag do. Pero mag 2mos mahigit na po since last namin dahil masakit po ang pimples. Haha. Maraming salamat po.

Hi mamshie mahapdi po ba pagnadampi.an ng ihi ?kasi meron din ako nyan dati pero hindi marami isa lng . Yun ba sabi ng ob sayo folliculitis ?

4y ago

Yes mahapdi po. Miski nga po sa water may hapdi din po, mas masakit lang po talaga sa ihi. Opo folliculitis po sabi niya. Paano po nawala yung sa inyo? Inner lip din po ba nagkaroon sa inyo? Thank you po.

Hoy 2nd pic po please pabura kasi andaming bastos dito. Respect your self. Katawang lupa na nakikita namin.

muka po siang pigsa sa akin nagka ganyan din po ako private part mismo pero dipa buntis inoperahan sia

use betadine fem wash po.. tpos always mhugas kada wiwi.. lagi mgpalit ng undies ..

VIP Member

Nagpimples rin po ako pero sa balikat, likod, mukha at tyan. Wala pong pimple sa baba.

4y ago

Ako po kasi ever since sa tagong mga area. Like sa UA and minsan sa singit. Hindi po kasi talaga ko pawisin and every summer simula 2017 naging problem ko na ang singit and pempem ko kasi irritated sila kahit na malinis naman ako sa katawan.

Wag ka muna magsuot ng panty pag nasa bahay ka para hindi masyado nakukulob

4y ago

Yun nga din po sabi ng asawa ko eh. Itry ko rin po after check up. Baka gusto lang po makahinga. Salamat po.

hugas ka betadine kng sa pempem mismo may ganyan