in laws

Pashare lang po..9 months preggy ako ngayon. Ni minsan hindi man lang ako kinamusta ng in laws ko. Nakabukod na kami ng husband ko. Pag magvi video call sila, ilocano kahit andun ako, e alam naman nila na hindi ko naiintindihan. Kapampangan kasi ako. Sila marunong naman mag kapampangan. Nung last time sabi ng husband ko magkapampangan or tagalog para maintindihan ko pero wala padin. Nakakasama lang ng loob. Hindi kami close pero ano ba naman yung magsalita sila sa dialect na alam ko diba? Ano masasabi nyo mga momsh?

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

awwww. pareho tayo, Bisaya ang in-laws ko. Ako naman, Tagalog. Marami nang nag-advice sayo na hayaan mo na sila. Ako, ang maipapayo ko sa iyo, try to learn the language of your in-laws. kahit mga simpleng salita lang sa lenggwahe nila. Yung in-laws ko kasi sobrang hirap mag-express in Tagalog kaya Bisaya sila mag-usap kahit kasama nila ako. Ang nangyayari, pinapadaan nila sa asawa ko yung gusto nila iparating sa akin, tapos sasabihin sa akin ng asawa ko in Tagalog na. 🤣 pero ngayon, kabalo na ko mag-Bisaya. haha. kahit barok Bisaya ang nasasabi ko, natutuwa sila kasi alam nilang effort na effort na ako. Baka pag nakita nila na ikaw na ang gumagawa ng paraan na makausap sila, baka mabuhusan sila ng malamig na tubig at magising sa katotohanan na daughter-in-law ka nila at pwede ka nilang kausapin. hehehe 😊 try mo lang.

Magbasa pa