43 Replies

sis ganun din sa akin foreigner kasi ako at yung lip ko pilipino, everytime nasa bahay kami ng parents naguusap kami gamit ang lingwahe namin at di ko iniisip na baka mafeel nya yung, di sya belong etc etc hanggang sa dumating yung lagi niyang sinasabi parang di sya belong at kung anu ano pa kaya nagtatraslate na ako pero di pa rin sya makarelate pero now hindi nya na sinasabi ang hirap din kasi magtranslate sa harapan ng magulang kasi parang obligated sya malaman na kung anong pinaguusapan namin at di naman sya makakarelate at ang weird pagdating sa culture namin yung ganun ang awkward nga ng tingin ng parents ko sa akin habang tinattranslate ko eh haha pero kapag sa lip ko lahat naiintindihan ko kasi nagtatagalog sila at marunong din ako unfair daw, sabi ko sa kanya di naman yun big deal eh kasi kung di lang ako marunong magtagalog di ko pa rin itatanong kasi sa kaugalian namin di ko papakialaman kung ano ang pinaguusapan nila at tsaka sa ugali ng side nya naku wala rin akong interest makipagsalamuha sa kanila no thanks na lang. pero nagkusa sya magaral ng language namin di nya daw keri tinulugan ko ganun pa rin. pero it's okay not a big deal talaga.

awwww. pareho tayo, Bisaya ang in-laws ko. Ako naman, Tagalog. Marami nang nag-advice sayo na hayaan mo na sila. Ako, ang maipapayo ko sa iyo, try to learn the language of your in-laws. kahit mga simpleng salita lang sa lenggwahe nila. Yung in-laws ko kasi sobrang hirap mag-express in Tagalog kaya Bisaya sila mag-usap kahit kasama nila ako. Ang nangyayari, pinapadaan nila sa asawa ko yung gusto nila iparating sa akin, tapos sasabihin sa akin ng asawa ko in Tagalog na. 🤣 pero ngayon, kabalo na ko mag-Bisaya. haha. kahit barok Bisaya ang nasasabi ko, natutuwa sila kasi alam nilang effort na effort na ako. Baka pag nakita nila na ikaw na ang gumagawa ng paraan na makausap sila, baka mabuhusan sila ng malamig na tubig at magising sa katotohanan na daughter-in-law ka nila at pwede ka nilang kausapin. hehehe 😊 try mo lang.

VIP Member

Ibig sabihin nyang pinaguusapan ka nila, di siguro sinasabi ng husband mo para di ka na mastress kung masakit ba sinasabi ng inlaws mong bagtit. Proud ilocano here! Dati ganyan sa side ng partner ko kala nila di ako nakakaintindi, tapos nagtatagalog sila sabay magiilocano nagulat ako ibang tao na pinaguusapan buti nalang hindi ako yun. Kaya tumatak na saken na basta na sa circle of conversation kayo once na nagiba ng dialect yan isa sa inyo pinaguusapan nyan 🙄🤦‍♀️ But don't worry mamsh! Atleast sana mabait naman husband mo sayo okay na yun 💓

Hindi ko nilalahat pero ung mga kilala kong ilocano, di talga sila genuine. ung akala mo okay ka sa kanila pero hindi pala lalo na sis na nakabukod na kayo..possible kasi iinisip nyan nilayo mo anak nya (husband mo) sa kanya..pero I'm sure kinakamusta nya ung kalagayan ni baby mo. Apo nya un e. Best is wag mo na lng masyadong isipin. Si baby na lng pagtuunan mo ng attention. Basta wag kalimutan na magulang nya pa din un as long wala sila ginagawabg masama sayo.. kill them with kindess and respect na lng.ganern

Same yung kakilala ko rin na ilocano mga traydor e. Yung akala nila hindi sila naiintindihan kaya kung ano ano yung mga pinagsasabi nila

VIP Member

ilokano kami ng asawa ko pero hindi ako ganun kagaling katulad ng family nila kaya kapag nagsasama kami, nagtatagalog sila palagi. ung yaya nila hindi masyadong magaling sa tagalog kaya tinatranslate palagi nila sister in law kapag hindi ko maintindihan. matagal na kami ni hubby kaya naging close na din ako sa family niya bago palang kami kinasal. i love his sisters and family, as they love me as well. try to make a relationship with your in-laws po. kahit paunti unti po.

It's a good thing na nakabukod kayo. Lalo ka lang ma-stress pag magkasama kayo ng in laws mo tapos nagsasalita sila sa dialect na di mo naiintindihan. Partner ko ilokano din pero pag nakikipag usap papa nya sa akin kahit di masyado marunong mag tagalog pinipilit nya magtagalog para lang magkaintindihan kami. Hayaan mo na lang in laws mo, ang importante naman ang pagsasamahan nyo ng hubby mo.

same here 😔 mas gusto nila na ako ang mangangamusta sa kanila 6 mos.preggy din po first baby .sinasabihan po nila hubby ko na ni hindi ko man lang dw sila makamusta 🤷‍♀️kaya sinabihan ako ni hubby ko na magchat o tumawag daw ako kaht twice a week .so ako kinakamusta ko nmn sa chat pero seen lang .haaaayys 😔 minsan nakakasama ng loob .kapampangan po sila ako purong tagalog

ifeel you mamsh .same feeling tayo 🤣 ni hnd nga nila ako makamusta tapos gusto nila ako pa mangangamusta sa kanila..pero family ko di makamusta wala man sila narinig saken/samen .

VIP Member

Ganun talaga mga ilocano, ma, nasa nature na nila yung language nila kaya kahit hindi sinasadya, yun nagagamit nilang language, but it doesn't mean pinag uusapan ka nila. Ilocano rin kasi si hubby at kapag nag uusap sila talagang ilocano din. Nasasanay na lang ako, minsan nga tinatawanan ko pa or ginagaya, nakakatuwa kasi sila magsalita 😬

siguro para sakin wag mo na lng masyadong pakaisipin yun ksi ikaw ang mai-stress hindi nman sila saka kung ayaw po nila syo...hintayin mo na lng po na dumating yung time magustuhan ka nila...malay nyo po..saka lagi po mag pray. focus na lng po muna sa pamilyang binubuo ninyo wag po masyadong mag isip ng nega...para laging maganda..😊

VIP Member

yung feeling na parang alien mga kasama mo sa bahay.. di mo maintindihan, pero katagalan masasanay ka rin momsh.. ako ang ginagawa ko, inaaral o tinatandaan at ginagaya ko ang mga salita nila para kahit papano naiintindihan ko kapag nagsasalita o may sinasabi sila. Pero kapag kausap naman ako, nagtatagalog naman sila..

Trending na Tanong