sama ng loob
Pasensya na at wala ako makausap. Ang sama lng ng loob ko sa pamilya ko. Sa bahay ng parents ko ako nakatira at ako po halos lahat ang gumagastos s bahay. Maayos po ang trabaho ko at ang asawa ko nasa abroad. Ako lahat nagbabayad kuryente, gas, internet, pangkain sa bahay, nagpapalaba kahit na may fully automatic washing machine kami. 5 months na ang tyan ko. At ang gusto ng nanay ko kumuha ako ng yaya. Nakakasama lng ng loob kasi wala na sila ginagawa sa bahay at yung inaasahan ko na sila mag alaga sa bata paglabas bilang tulungan na lng sana kami kasi ako nga halos bumubuhay sa kanila. Gusto ko na lng tuloy bumukod, may bahay kami ng asawa ko kaya lng wala akong kasama kaya andito ako s parents ko.

Buntis din po ako 4 Months,nakabukod na kami pero may kasama Naman ako dalawang anak ko,7 at 4 yrs old ..kami Lang tatlo pero nakaya ko po.walang ibang tumutulong sakin. Wala din po asawa ko bihira Lang umuwi at nasa trabaho .. Simula sa pangalawa ko po na anak eh nagbukod na po kami Sabi nung asawa ko kahit mahirap eh kayanin ko para Hindi kami magkaroon ng problema sa makakasama namin sa bahay. At iwas stress na din,nakakastress din po Kasi na may kasama ka nga sa bahay d ka Naman nila matulungan.yung iniisip mo na dapat magtulungan kayo Kasi pamilya mo sila kaso baliktad nangyari
Magbasa pa