sama ng loob

Pasensya na at wala ako makausap. Ang sama lng ng loob ko sa pamilya ko. Sa bahay ng parents ko ako nakatira at ako po halos lahat ang gumagastos s bahay. Maayos po ang trabaho ko at ang asawa ko nasa abroad. Ako lahat nagbabayad kuryente, gas, internet, pangkain sa bahay, nagpapalaba kahit na may fully automatic washing machine kami. 5 months na ang tyan ko. At ang gusto ng nanay ko kumuha ako ng yaya. Nakakasama lng ng loob kasi wala na sila ginagawa sa bahay at yung inaasahan ko na sila mag alaga sa bata paglabas bilang tulungan na lng sana kami kasi ako nga halos bumubuhay sa kanila. Gusto ko na lng tuloy bumukod, may bahay kami ng asawa ko kaya lng wala akong kasama kaya andito ako s parents ko.

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try mo kausapin magulang mo at ipaliwanag mo bakit ka nakatira sa kanila.sabihin mo,pamilya mo sila kaya sila ang naiisip mo na kaagapay ngayon.kasi ngayon mo sila mas kailangan.kaya sana maintindihan nila na kailangan mo ng suporta nila.malaking tulong na ang pag alaga sa anak mo.wag mo na sabhn mga gastos mo,kasi iba ang magiging pagintindi iisipin nila na binibilangan mo sila.

Magbasa pa
Related Articles