sama ng loob
Pasensya na at wala ako makausap. Ang sama lng ng loob ko sa pamilya ko. Sa bahay ng parents ko ako nakatira at ako po halos lahat ang gumagastos s bahay. Maayos po ang trabaho ko at ang asawa ko nasa abroad. Ako lahat nagbabayad kuryente, gas, internet, pangkain sa bahay, nagpapalaba kahit na may fully automatic washing machine kami. 5 months na ang tyan ko. At ang gusto ng nanay ko kumuha ako ng yaya. Nakakasama lng ng loob kasi wala na sila ginagawa sa bahay at yung inaasahan ko na sila mag alaga sa bata paglabas bilang tulungan na lng sana kami kasi ako nga halos bumubuhay sa kanila. Gusto ko na lng tuloy bumukod, may bahay kami ng asawa ko kaya lng wala akong kasama kaya andito ako s parents ko.
Mas okay bumukod. kmi ng LIP ko, hinihintay lng nmin matapos ung bahay namin then bubukod nkmi. bale kukuha nlng ng mag aalaga sa baby while we're at work.
Kung kukuha ka lang din naman ng yaya, bumukod ka na. Para matuto din sila. Don't stress yourself out at makakasama yan sa baby mo.
Nakaasa na sayo di ka pa matulungan, ay grabe naman. Bukod ka na lang then dun ka mag hire ng yaya. Sobra na yang ganyan ah.
Kung kukuha ka din naman NG yaya e ma's maige na bumukod nalang sis kesa ma kasama sa pinagbubuntis mo dahil sa kakaisip..
Doon ka na lng sa bahay nyo kuha ka kasambahay para hnd ka mahirapan.. Pareho lng naman gastos mo kapag andyan ka senyo..
Bumukod ka na lang mommy kesa naman mastress ka, then wala sila balak tulungan ka saka ka kumuha ng yaya pag nakalipat ka na.
Much better kung wag na kumuha yaya tapos magwork si mommy. Wag ipagkakatiwala anak sa iba lalo at walang magiging kasama. Mas okay kung kukuha yaya pero si mommy magstop na din magwork at focus kay baby. Si yaya sa gawaing bahay at si mommy kay baby. Nsa abroad naman si husband kaya naman ata sila buhayin magina. Iba ang pagaalaga ng sariling ina.
sa bahay mo na lang ikaw hanap ka na lang kasamahin kesa stress ka dyan nagiging dependent lang sayo mga tao dyan
Hay parehas tayo, nakakaiyak. Ang hirap maging breadwinner. Goodluck sa atin mommy. Sana makayanin natin. :(
Uwi ka na po sa bahay nyo hanap ka na lang makakasama mo sa bahay mas ok pa yun less stress less gastos
Sis, bumukod ka na lang tutal pinag hihire ka ng yaya dba. Un ang mggng ksma mo dun :) take care
Oo basta wag iwan si baby sa yaya. Dapat kasama lang ang yaya para sa household chores pero si mommy wag na bumalik sa work at magfocus kay baby