sama ng loob

Pasensya na at wala ako makausap. Ang sama lng ng loob ko sa pamilya ko. Sa bahay ng parents ko ako nakatira at ako po halos lahat ang gumagastos s bahay. Maayos po ang trabaho ko at ang asawa ko nasa abroad. Ako lahat nagbabayad kuryente, gas, internet, pangkain sa bahay, nagpapalaba kahit na may fully automatic washing machine kami. 5 months na ang tyan ko. At ang gusto ng nanay ko kumuha ako ng yaya. Nakakasama lng ng loob kasi wala na sila ginagawa sa bahay at yung inaasahan ko na sila mag alaga sa bata paglabas bilang tulungan na lng sana kami kasi ako nga halos bumubuhay sa kanila. Gusto ko na lng tuloy bumukod, may bahay kami ng asawa ko kaya lng wala akong kasama kaya andito ako s parents ko.

46 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Nkakasama tlga ng loob yan kse imbrs na tulungan ka ng family mo sila pa nagpapahirap sau,kausapin mo Mom mo if gusto nia na kumuha ka ng yaya bubukod ka na para me kasama ka sa haus nio kesa ganyan sistema ng family mo.

5y ago

Salamat sis :)

VIP Member

Since nasa bahay ka ng parents mo, mas masusunod talaga sila. Sa totoo lang, nasanay siguro sila na iispoil niyo sa mga gamit. Kung kaya mo naman, bumukod ka na. Mas delikado maistress ang buntis mommy.

Bumukod kan Lang sis kung kukuha ka Lang den naman ng yaya ganun den e ikaw na nga nagastos lahat gusto Pa nila kumuha ka yaya edi useless den na nandyan sila kaya bukod nalang sis.

Edi bumukod kayo. Mas madali bumukod no. Ako miski sa mga kapatid ko, hirap ako makisama kaya bumukod na talaga ako 2nd trimester pa lang kahit working student lang ako.

Isa lang naman solution dyan, ANG PAG BUKOD. you will never get out of that situation if hindi kayo bumukod. Kaya mag isip ka na sis bumukod. Sabhin mo sa mister mo

VIP Member

Para sakin sis bukod ka na lang kasi mas masarap ung pakiramdam na nakabukod ka tlaga..kasi ako noong nalaman ko na preggy ako tlaga ako na nagkusa umalis samin ..

VIP Member

Much better if bubukod kayo then kumuha ka nalang ng isang makakasama nyo sa bahay na makakatulong mo na din pag aalaga sa baby mo paglabas. Iwas sama ng loob pa

Kung bubukod ka na momsh, mas okay kausapin mo pa rin parents mo. Ipaintindi mo sa kanila 'yung nararamdaman mo. Kapag hindi talaga naging okay, saka ka bumukod.

VIP Member

Baka pwede kausapin mo sila and tell them direct yun expectations mo from them. Baka magkalinawan kayo kung bakit parang wala sila balak tumulong sayo.

VIP Member

Mas maigi na sa sariling buhay mo na lang ikaw mommy kumuha ka na lang ng mapag kakatiwalaang makasama sa bahay like pinsan mo o kapatid ng asawa mo

Related Articles