Trouble writing and coloring

Hi Parents. Please enlighten me po. Sino po dito may same case katulad ng anak ko na 4 years old po pero ayaw po talaga mag color at mag sulat. Pinasok po namin sya sa Local Day care po this September lang. Ang kaso po kapag nasa day care sya hindi sya nakakapag focus sa teacher. Hilig po maglakad lakad sa loob ng day care. Yung mga module nya tamad na tamad kulayan. I even bought him coloring book, jumbo crayons, pencil and writing pad. Yung hawak naman po nya sa color and pencil is proper na however, nagkakaiyakan kami everytime na mag cocolor. Hindi ko tuloy maiwasan ma icompare sa iba nyang classymyt na same age lang din nya. Then hindi pa po sya conversational magsalita. Nagsasalita naman sya but hindi pa straight. Alam naman ang A-Z and numbers, shape and kumakanta din sya ng nursery songs ung mga napapanood sa yt kids but when you asked him, hindi talaga sya nasagot sayo. Nag iisang anak lang po and walang kalaro. Naiiwan lang sa lolo nya kapag may pasok kami parehas ng husband ko. Please enlighten me po. 😔 SALAMAT PARENTS 🙏❤️

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

laro laro po muna po mommy pra hindi matakot c baby mo..ung play n mkcatch ng attention nya..like anu bang favorite fruit nya or toy.. tas ttry nyo po idrawing pareho tas pagandahan kau kunwari ng drawing pero xempre c baby ang winner..my reward n kiss at hug plus star s knya..i very good every lines n nagawa..khit hindi maintindihan..🙂.. tyaga lng po mommy

Magbasa pa
Related Articles