Trouble writing and coloring

Hi Parents. Please enlighten me po. Sino po dito may same case katulad ng anak ko na 4 years old po pero ayaw po talaga mag color at mag sulat. Pinasok po namin sya sa Local Day care po this September lang. Ang kaso po kapag nasa day care sya hindi sya nakakapag focus sa teacher. Hilig po maglakad lakad sa loob ng day care. Yung mga module nya tamad na tamad kulayan. I even bought him coloring book, jumbo crayons, pencil and writing pad. Yung hawak naman po nya sa color and pencil is proper na however, nagkakaiyakan kami everytime na mag cocolor. Hindi ko tuloy maiwasan ma icompare sa iba nyang classymyt na same age lang din nya. Then hindi pa po sya conversational magsalita. Nagsasalita naman sya but hindi pa straight. Alam naman ang A-Z and numbers, shape and kumakanta din sya ng nursery songs ung mga napapanood sa yt kids but when you asked him, hindi talaga sya nasagot sayo. Nag iisang anak lang po and walang kalaro. Naiiwan lang sa lolo nya kapag may pasok kami parehas ng husband ko. Please enlighten me po. πŸ˜” SALAMAT PARENTS πŸ™β€οΈ

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din anak ko. He’s 4 years old din po. Tamad syang magsulat at magcolor. Pag nasa class kala mo visor. Nakakasagot naman sya. Kaso dyan talaga kami nagtatalo pag time ng activity. Tapos paladesisyon pa! Haha. Enjoy2 lang muna tayo sa ganitong stage mamsh. Kahit nakakakunsumi minsan. πŸ˜… Haha. Kanya2 naman kasi yan sila. Gaganahan din magsulat yang si Baby. πŸ’œ

Magbasa pa

laro laro po muna po mommy pra hindi matakot c baby mo..ung play n mkcatch ng attention nya..like anu bang favorite fruit nya or toy.. tas ttry nyo po idrawing pareho tas pagandahan kau kunwari ng drawing pero xempre c baby ang winner..my reward n kiss at hug plus star s knya..i very good every lines n nagawa..khit hindi maintindihan..πŸ™‚.. tyaga lng po mommy

Magbasa pa

Hi momsh, same sa anak ko. Turning 4 sa Nov. Studying na din sa daycare. Napansin ko di siya mahilig magsulat, trace, mag color pero very active sa arts like dancing, singing, cut & paste, etc. Sabi ng teacher, hayaan ko lang daw. Enjoy lang daw mag aral para ganahan matuto. Don't stress. 😊

VIP Member

May eye contact po ba siya sa inyo pag nagsasalita o may response po ba pag tinatawag niyo name niya?

2y ago

Yes po mommy. I monitor din po yung eye contact nya. Kumakain na din sya mag isa using spoon. Nauutusan na din sya like ilagay ung plates sa table kapag kakain na, nag liligpit ng toys nya, naglalagay ng pinagkainan sa lababo. He knows din po kung saan kukuha ng plate para lagayan ng biscuit nya kapag mag ssnack sya.

Related Articles