Mga mommy.

Mga mommy,bali 5yrs old ung son ko.iniisip ko kung sa day care o sa kinder kuna sya ipapasok.bulol pa kasi magsalita anak ko.saka tamad magsulat gusto lang magdrawing,alphabet alam naman nya pero magbasa hindi pa? Anu po ba pagkakaiba nila?salamat po sa makakasagot.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Meron pong tinatawag na Early Childhood Care and Development Assessment sa Kindergarten. Dito po malalaman ni teacher kung ano ang mga kaya at hindi kayang gawin ng mga learners nya. Dahil dito, alam nya kung saan at paano xa mag uumpisa at kung anong strategy ang gagamitin nya para maturuan ang bata. Para sa akin po, mas mabuti kung ipapasok nyo na po ang anak nyo. Magaling po xa, the fact na alam na nya ang alphabet at intersted xa magdrawing. Sa school, madedevelop po nya communication skills nya sa simpleng pakikipag usap lang sa mga kaklase. Sa pagsusulat naman, matutulungan xa ni teacher. Tiwala at support po ang kailangan para mas lalong maging mahusay si baby. Sayang naman ang isang school year na lilipas. 6 yrs pa naman po ang highschool☺️

Magbasa pa

yung anak ko pinasok ko siya sa kinder last year mag 5 years old pa lang. Bale mag 6 pa lang siya sa November. Tapos halos mga classmates niya doon 4,5,6. Pero bago ko siya pinasok doon tini-train ko na siya mag sulat mga trace ganon po. Hindi pa siya marunong mag basa non. Tapos doon na lang siya natuto sa lahat. Nung graduation nga nila siya pa naging class advocate & best in writing. Pero hindi ko siya ganon inistress sa Pag aaral. Hinahati ko oras niya sa paglalaro etc. At tinanong ko rin siya non kung gusto niya na mag school. at sinasabi ko rin kung anong meron sa school para atleast may idea siya. 2hours lang pinapasok niya non, pero kahit Iwan ko siya di siya umiiyak.

Magbasa pa
2y ago

Hindi rin po umiyak pamangkin ko kasi ready na siya pumasok non.

mii anak ko 5 yrs old din pero pinaaral ko na diritso sa k2 . turning 6 na sya ngayong September. okay naman paaralin yan basta marunong sya sa alphabet and answer at natural na talaga sa bata ang tamad mag sulat pero matutunan din nila yan sa school. nakaka proud nga kasi ngayon marunong na magbasa sa tagalog anak ko pero sa English hindi pa at nag mature din sya. trust the teacher lang talaga may matutunan din yan anak mo ng di mo namamalayan

Magbasa pa
2y ago

wag mo muna turuan magbasa mii , okay lang as long as alam na niya alphabets and numbers at medyo maalam na sumulat sa trace at pangalan , mga guhit pa lang naman sinusulat nila kasi pag k2 puro activities lang naman. at wag din e pressure ang bata . ako kasi hinahayaan ko lang sya at di ko rin sya tinuturuan kasi baka mapagod .

ang mga nanay ngayon masyadong minamadali ang mga anak. sa ganyang edad paglaruin mo lang muna. hindi porket sa iba eh ganun gagaya ka. dipa nga develop masyado yung fingers ng anak mo. masyado kang nagmamadali. kung matalino anak mo di kailangan madaliin sa pag aaral. kaya madami ngayong may mental health problem na bata dahil nappressure sa mga nanay na katulad mo

Magbasa pa
2y ago

hindi ko po sya pinipilit,nagtatanung lang po ako kung san ko po sya pwede ipasok para hindi sya mabigla.

An Elementary Teacher here! Mahirap if papasabakin mo sya sa Kinder mommy pero kung tatyagain mo yan every i practice, makakasabay yan sa mainstream. Ung iba kasi sa experience ko lang ha. Sinabak sa grade 1 ng di pa nakakasulat at nakakapantig at medjo bulol pa, hirap sila. 😭 Kaya train mo na sya habang nasa bahay para di sya mabigla sa school.

Magbasa pa
2y ago

inuunti'unti ko po syang tinuturuan.salamat po.

Since 5yo na sya, as requirement ng depEd, idiretso ko na sa Kinder. Personally, I think 5yo is still too early pero tiwala na lng din ako sa mga mas nakakaalam na kung 5yo ang recommended nila for kinder, then so be it. Don't worry kung hindi pa sya marunong nang kung anu-ano, kaya nga sya magi-school para doon matuto ☺️

Magbasa pa
2y ago

opo mam.salamat po.

daycare muna for me . too soon pa for kinder pero kung mejo advance naman sya at tatangapin naman ni teacher go lang. dont worry sa pagbasa sa grade 1 pa yan hahasain talaga ni teacher ng sobra if ever.

Super Mum

if im not mistaken po, wala pa pong LRN if daycare pa lang.maganda din if unti unti maturuan magbasa.

2y ago

salamat po.

Kinder mo na po siya, pamangkin ko ganyan din pero ngayon magaling na magsulat at magbasa.