My mother-in-law is mentally unstable
Pareho kaming working ng asawa ko. Right now I am 6 months pregnant at pinaplano namin kung paano magiging setup once lumabas si baby. November pa naman ako babalik ng work pero iniisip ko na kumuha ng titingin sa anak ko na someone sa family ko, kasi alam ko kung paano sila mag-alaga, at dahil ayokong i-risk na ipaalaga ko si baby sa mother-in-law ko kasi mentally unstable siya. Kaso nung sinabi ko kay husband 'yung sentiment ko, parang naoffend ko siya which I understand kasi nanay niya 'yun and though hindi naman siya nananakit, 'di ko kasi maisip kung anong pwede niyang gawin/magawa kapag super iyak na si baby at 'di niya mapatigil tapos nagkataon na may episodes siya, mga ganun. Dama niyo ba ako, mommies? 'Yung may pangamba kahit hindi dapat. Anak ko 'yun e. Hay.