Rant π (06-20-20)
Parant naman po ako mga sis, wala akong mapagsabihan ayokong iopen up sa mga kamag-anak ko dahil mag-iiba tingin nila sa asawa ko. Pareho kaming callcenter agent at kakapanganak ko lang kay Lo last march. Isang buwan kami nakitira sa mga tita ko at bumukod na nung magaling na CS ko at magwork at home sya. (Sobrang daming bagay ako na thankful sa kanya kaya lang etong nararamdaman ko ngayon sobrang bigat na) Feeling ko kasing parang hirap na hirap sya kapag inaalagaan nya yung anak namin. Paglipat namin sa apartment ako na lahat though kakaCS ko lang pinanindigan ko ang pagiging housewife at nanay ng anak ko. Ako lahat (laba,luto,linis,alaga kay baby) kase nanay ka at kaya mo palang maging octopus pag nanay ka (napagsasabay ang mga gawain) Ang aking lang naman ngaung dalawang buwan na kaming nakabukod at nakawork at home na sya (3am to 12pm shift nya) wala man lang konting pag-alalay mula sa kanya. Ilang araw nakong inis na inis sa kanya. Kahapon off nya, dumumi anak nya kumuha ako ng panghugas at iyak ng iyak si baby, d man lang lapitan para buhatin ng wala man lang 2mins habang kumukuha ako ng panghugas. Kanina naman alburuto si baby (hindi naman laging ganito, mabait baby ko may dating lang na maligalig lang talaga) tulog si hubby mula 1pm hanggang 9pm nakahanda na pagkain, sabi nya d muna sya kakain mauna na daw ako at matulog pa sya. Syempre naiintindihan ko na tulog is life tlga pag callcenter agent ka, kaya hinayaan ko pumasok ako sa kwarto akala ko tulog na sya pero hindi pa pala nanunuod sya ng youtube samantalang ako d makakain kahit gutom na gutom na dahil nga umiiyak si baby ayaw din dumede. Ang akin lang sana magkusa sya na alagaan kahit saglit si baby para makakain ako, naibaba ko nmn saglit ung anak ko kumain siguro mga ilang subo lang gising na naman at umiiyak. Ayun nawalan nako ng gana kumain kahit sobrang gutom ko, umihi ako iniwanan ko sa duyan anak ko at umiiyak buti nakarinig kinuha nya anak ko at tinanong kung bakit ako galit sa kanya (dko sinagot mag-aaway lang kami) Sobrang hirap sabi nya team work kami pero ako lang nagdadala ng lahat. Kapag kinarga nya ng mga 5mins yung bata pagod na pagod na sya. Pagbaba sa bata ang dami nya agad masakit. πTapos pag nagising si baby at katabi nya sa higaan ilalabas nya agad sa kwarto para ipakita sakin na gising na yung anak ko at kuhanin ko na kahit naglalaba ako o nag-uurong. π Sorry mga sis ko masyadong mahaba, wala na talaga ako mapagsabihan bka bigla nalang akong sumabog π


