Palo

Di ko alam kung depression to, Kanina napalo ko yung 2y/o ko, napuno na kasi ako, alam ko nasa kakulitan na talaga sya kaso tatlo sila may 1y/o pa tsaka 1month old. Sabay pa yung inis ko sa tatay nila na wala na ginawa kundi mag laro ng mobile games. After ng work nya pag uwi sa bahay naglalaro na sya hanggang madaling araw. Minsan wala ng tulog magttrabaho na ulit. Dati naman natutulungan nya ako sa mga bata. Tuloy nadadamay mga anak nya sa inis ko. Hindi ko naman sya mapagsabihan dahil nagagalit sya at ilang beses na rin kami nag away dahil pinababawasan ko sakanya yung paglalaro nya. Almost 1week na kaming hindi naguusap. Ok naman kami kaso hindi nya lang talaga ako makausap dahil busy sya sa paglalaro. Minsan nasusungitan nya pa kami kapag kinakausap namin sya. Nagtitimpi ako sakanya pero pag dating sa mga bata dun ko nababaling yung inis ko. Naawa ako sa anak ko pag napapalo ko sila. Maliliit pa sila eh. Naiiyak ako. Pag nagiging ganito ako naiisip ko yung ginagawa samin nung maliliit din kami. Grabe kami paluin. Ayoko sana gawin sa mga anak ko at ayoko rin na makuha nila yung ugaling pananakit sa anak pagdating ng panahon na sila naman ang magkakapamilya. Kaso pag nagagalit ako hindi ko na maisip yun. Parang gusto ko nalang mawala sa kanila para di na nila maranasan sakin to. Mababait mga anak ko sobrang malalambing, ngayon na napapalo ko sila napapansin ko nagiiba na rin ugali nila. Nagi-guilty ako. Gusto ko maayos ulit kami. Nakakaawa pag naaalala ko yung mga iyak nya habang pinapalo ko sya. Please need ko po ng advice nyo bilang nanay. Wala rin po kasi akong nanay o kapatid na nakakausap eh. Kapag may problema ako, mag isa lang po ako.

40 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis, alam mo ang hirap iopen up ng ganitong issue with family and friends kasi ngayon ang mga moms parang napakaperfect. Konting palo o sigaw tulfo na. Alam mo nag post partum depression din ako, extended pa... I was referred to a psychiatrist.. Mag isa ako sa bahay and i work at home as a programmer.... May times na nasisigawan ko din anak ko or nahahandle ko sya in a careless manner and my daughter was just 8 mos then.... I cried alot nun... I told myself that i failed as a mom. Gusto ko na din mawala nun... Pero un as days went by, humaba ang patience ko.. I think un ang talagang ituturo sayo ng mga bata, the true meaning of patience... Pero may times talaga na nagbuburst tayo.... Pag ganun punta ka sa isang kwarto and let it out.... Compose yourself then come back.... Motherhood is a learning process... If you didn't like the things you did today, then do better tomorrow... Walang perfect na mom... Di puro saya lang lagi at lambing.... Pag nasasaktan mo baby mo mag apologize ka sabihin mo sorry mali si mommy... Try very hard not to do it again... Isipin mo na lang sa baby mo, you are their world... Saka wala namang ibang magpapakananay sa kanila kundi ikaw... I know you are doing everything you can... You are doing a great job :) Kapit lang.. Make sure you get enough rest or sleep... Sabi ng doctor sakin before sleep deprivation is a torture... Di ka talaga makakaisip ng tama... Yung asawa mo kausapin mo ng masinsinan.... Tell him that you need help... Saka di maganda ung di ka pinapansin pag nag away for too long or dinidisregard ka habang naglalaro. Iisipin ng anak mo tama un na di bigyan ng atensyon or importance... Pag laki nila iisipin nila kung pano ka tinrato ng asawa mo, un ung ok na treatment from their and towards their partner... Paunawa mo sa asawa mo yan...

Magbasa pa

Wag na wag mo ibabaling ang stress mo sa mga bata. Una sa lahat, di nila kasalanan bakit ka stressed out. No offense meant, pero tama yung isang mommy dito, kaya ideal lagi ang family planning kasi mahirap ang magkakasunod na anak. One way or another, maapektuhan ka at ang pagsasama nyo mag asawa. First thing is mag sorry ka sa anak mo. Try to explain na di ka galit kaya mo sila napapalo. If nakikita mo na nagbabago ugali nila dahil sa kanila ka naglalash out ng galit mo, masamang pangitain yan. Wag mo hayaang lumayo ang loob ng mga bata sayo dahil sa stress mo. Kausapin mo source ng stress mo--asawa mo. Ipaliwanag mo sa kanya na kailangan mo ng tulong, at naisip mo na mas productive kung tutulong siya sayo instead na mag mobile games. Subukan mong makipag compromise sa kanya na di mo naman siya pinipigilan maglaro, sadyang hirap at nasa adjustment ka pa dahil may new baby kaya need mo ng tulong at atensyon. Kung matinong tatay yan, maiintindihan nyan ang point mo basta maexplain mo ng mahinahon at maayos. Try to talk to people around you. Sa tingin ko para kang bulkan since wala kang napagsasabihan at lagi mo lang dinidibdib kaso ang problema, sumasabog ka sa maling tao. Sa mga anak mo. Confront your problem and look for someone na pwede ka mag rant. Mahirap talaga pag mag isa, pero di mo kailangan magpa ka emo. :) Take care of your mental health, mommy.

Magbasa pa
VIP Member

I'm not to judge pero mali po ung pinapalo ang mga ganun kaliliit na bata. Sorry pero siguro seek for medical help. Kasi malamang anxious ka kaya dpat talaga may gabay ka para mas nama-manage mo anger mo. Mahirap na baka makasanayan mong ibaling sa mga bata ang galit mo. Okay lang naman if for disciplinary action towards kids na medyo hindi na napagsasabihan pero kung wala namang ginagawa like pagiging malikot very usual un sa bata kasi nga bata pag malikot daw people smart un sabi ng pedia nh kids ko, kasi mas dapat daw tayong mag-worry if hindi nakikipagkulit ang bata kasi baka daw may problem sa social at physical interactions niya. Kaya sana mamsh Try to do some exercises para magamay mo emotions mo. Dahil kung wala naman silang kasalanan talagang masakit sa loob ung napapalo mo sila. Ako palaging inhale (hold ur breath for 10sec) exhale (10seconds din) then repeat. Or count from 1-10 it doesn't help that much lalo na sa katulad ko na medyo violent talaga ko eh. Pero sa tagal tagal kong ginagawa yan mas nada-divert ung attention ko sa pagbibilang kesa sa inis ko. Sa awa ng diyos ko pa napapalo kids ko.

Magbasa pa

My scenario is somehow same as yours. Yung husband ko na minsan dahil na rin sa work eh super sungit sa bahay. At mga anak ko na super kukulit at minsan nag aaway pa at ayaw magpasaway. You know what I did. Bago ako magsalita o pag galit na ako nagbibilang ako ng 10 sa utak ko. Haha. 😂😂 kasi pag nagbilang ako makakalma ko ng konti. Yung sa husband ko kinakausap ko sya. Whatever your doing stop it and lets talk for 10mins. Alam mo sinabi ko. Sabi ko sknya I want to be a better person. Please do not push me na maging masama. Tulungn mko. Baguhin mo ugali mo. After nun I see him tryng to be more patient sa bahay. I did the samething with my kids. I talked to them kahit bata pa sila. I said Kuya pakabait kayo ni Drizzle papakabait din si Mommy. Ayaw ko magalit eh. Ayaw ko din mamalo. I dnt know for some reason it works skin. Lalo na ung bunso ko he speaks as if matanda na sya. And more impt sis silent war is not good on a relationship. You have to fix it.

Magbasa pa
5y ago

Need ko ng ganitong skill 😓😓😓

Momshie ok lang yan na napplo mo anak mo pero para skin mas ok nalang na ibaling mo ung lmbing na hinahanap mo sa tatay nila sa mga anak mo ako ung asawa ko adik din sa mobile games nagagalit din sya pag pinagbbawalan maglaro dati lage kaming nagaaway until i realize bat kase pinagbabawalan sila eh libangan lang naman nila un halos nd nya ako maasikaso dahil sa paglalaro nya 7 mos pregnant ako ginawa ko ako nalang naglalmbing sakanya hanggang sa nasanay nalang ako na asikasohin sya at supportahan sya sa gusto nya kaya walang away na nangyayare samin hanggang sya naman natuto na magpaalam sakin na maglalaro sya kaya lambingin mo nalang ako asawa yan sinasabi nya kaya un nasanay na ako maya ako momshie kung nagagalit mn sya intindihin mo nalang sya lambingin mo nalang bigyan ng pagkain habang naglalaro kamustahin ung nilalaro nya hanggat sa masasany karin tas ung mga anak mo asikasohin mo habang yung asawa mo bhsy maglambing ka sa mga anak mo stress free kpa

Magbasa pa
5y ago

Okay lang ba sayo na sa mobile games ituon lahat ng oras ng hubby mo na para sana sa mga anak nyo ibigay? Okay lang naman maglaro. Pero sana limitahan yun. 😔

Same tayo mommy...may toddler din ako at 4 months na baby. Napaka lambing ng panganay ko, kaso simula nung dumating yung baby namin na isa, nagiingat ako kasi baka matamaan or madaganan nya. Kaya lagi ko siya napapagalitan, minsan napapalo pa...nakaka guilty talaga. Medyo nabawasan pagka lambing niya. Ang ginagawa ko ngyon, after ko siya pagalitan/paluin, iniexplain ko sa kanya kung bat ko siya pinalo/pinagalitan. Tapos ihahug ko siya at kiss. Habaan mo na lang din pasensya mo po, isipin nalang natin na may mga maliliit na anak tayo sa umaasa sa atin. Sabi nga sa nabasa ko.." Choose your words wisely. Be calm in their game, don't be the chaos". At sa asawa mo naman po. Isipin mo nalang ang mga anak mo kakampi mo sa mga ginagawa ng asawa mo...di ka na tinulungan tsk!

Magbasa pa
VIP Member

Mommy naiintindihan kita siguro sa sobrang stress mo kaya ganun.Pero mommy bago mo paluin ang anak mo isipin mo paano pag nag kasakit sila?ikaw din mahihirapan.Nasa stage sila ng kakulitan.Lalo pa at ang hirap ng katayuan mo may 3 maliliit na anak.Mag pray ka palagi na sana mag bago ang mister mo.Mahirap ang katayuan mo at mag pakatatag ka.Mahirap din kung lagi kayo mag aaway ng mister mo dahil bata pa rin maapektuhan.Pero try mo mommy na pag galit ka o inis ka itikom mo ang palad ml ng sobrang higpit o kagatin mo labi mo at huminga ka ng malalim.Malalampasan mo din yan,dahil hindi yan ibibigay ng panginoon kung hindi mo kaya lalo na tayong mga ina matatag.

Magbasa pa

Nakakaguilty talaga kapag napapalo mo mga kids mo, kaya lang kasi minsan sa pagod at sa inis mo hindi mo din naman ma control yung sarili mo dahil wala kang katulong sa pag aalaga ng mga anak mo, pinaka mabuti mong gawin kausapin mo yung asawa, sabihin mo instead na maglaro cya ng mobile games, mag spend cya ng oras sa mga anak nyo. Mas ibaling nya ying oras nya sa mga anak nyo or ying anak nyo na lang ang laruin nya instead ng phone nya. Iexplain mo sknya na napapagod ka din naman dahil 3 anak nyo at hindi mo kakayanin mag isa yun, it doesnt mean na kahit cya ang nagtratrabaho at nag pro provide ng mga needs and wants nyo e hindi na cya tutulong.

Magbasa pa

wag ganyan mommy kawawa naman ang anak nyo masyado pa bata para makaranas ng palo ..kung asawa mo problema mo hayaan mo nalang sya atleast hindi sa pag iinom o pambabae ang pinagkakaabalahan nya ok na yan nasa bahay lang nakikita mo pa tutal nagwowork naman sya baka yan nalang paraan niya para makapagpahinga wag muna lang sya asahan sa pag aalaga sa anak mo..kaya mo yan mommy lahat tayo walang hindi kaya para sa anak natin habaan pa ang pasensya wag muna ulit paluin anak mo kawawa naman hindi din maganda sa bata ang palo mas better na kausapin mo pag sobra na kulit

Magbasa pa
VIP Member

Ikaw na mismo nag sabi na mbabait mga anak mo.. if c hubby ang problema .. xa ang kausapin mo at pagalitan mo,wag mga kids.. wala naman cla kinalaman s tampuhan nyo ni hubby mo.. at ikaw na din nag sabi n ayaw mo gawin s knila ung nangyare sau nung maliit kpa,.. pero gingawa mo.. inuulit mo lang ung cycle ng buhay mo.. di masama mamalo ng bata, pero ung parang pagbuntungan mo cla ng inis mo s kaka mobile games ng hubby mo.. abay iba na un.. Isipin mo na lang na wala sila klaban laban sau.. Dont stress ur self too much.. take care of ur kids,,..

Magbasa pa