Need someone to talk mga mommy

Parang hndi pa ko ready sa pinagbubuntis ko na 2nd baby. Ayoko kasi makarinig ng mga di magagandang salita sa mga kamag anak ng hubby ko masyado silang judgemental ? Lalo na yung tita nya na akala mo kung sinong perfect pag wala kang pera wala ka pakinabang sa knila. Sa panganay ko pa lang dami na nila snabi pano pa kaya ngayong buntis ako sa 2nd baby namin.. Kaya natatakot ako na ituloy to parang napanghihinaan ako ng loob. Tska feeling ko parang hndi ko pa kayang mag alaga ng dalawang bata ? Nadodown ako mga mommy ?

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam ko mahirap pero try your best not to let them get to you. Huwag mo sila pakinggan. Huwag mo didibdibin yung masasama nilang mga salita. Blessing ang magkaroon ng baby. Ang daming couples na hirap magkaroon ng baby. Nobody is ever completely ready for parenthood or for having another baby in the family, kahit anong research niyo pa yan, basa ng parenthood books o paghingi ng mga advice from experts. However, you and your husband have 40 weeks to prepare for your baby's arrival. So, please keep God's blessing sa inyo. Sa pag-aalaga naman ng bata, hindi lang ikaw ang mag-isa. Tagteam kayo ni hubby. You can also seek help from your own family / close friends should you need it. Kung hindi maiwasan sis yung alitan niyo, it would be better to relocate to your family's house for the meantime. Hindi kasi makabubuti sa inyo ni baby ang stress at sama ng loob mo sa Tita/family niya. Dapat positive vibes lang palagi.

Magbasa pa