IN LAWS
Para po to sa mga lilipat kasama in-laws. Ako kasi prior to moving sa family ng partner ko super natatakot ako dahil sa mga post dito, sobrang nadidiscourage ako na parang gusto kong sabihin sa partner ko na wag na. Pero iba na perspective ko ngayon. I just want to share how lucky I am with my partner's family. Lalo si mama niya. Super maalaga and maalalahanin. Not in an OA way na maiinis ka ha. Siya lagi nagtatanong ano gusto ko kainin, if may pinaglilihian ba ko. Mga cravings ko siya lagi naghahanap at bumibili kapag walang time si partner ko. Umaga, tanghali, gabi, ready na agad ang food. Tapos laging may fruits. Tapos since late uwi ko from work, siya pa nagaantay sakin para icheck kung magdidinner pa ko. Sobrang nakakaoverwhelm lang kasi I came from a broken family and I've never experienced this kind of motherly love. I feel so happy and blessed. ? Kaya sa mga lilipat diyan with partner's family, don't be discouraged. Di lahat ng biyenan masama. ? Try niyo muna, malay niyo magustuhan niyo din. Just be positive, be yourself and be honest to yourself and to your partner. Let him know pag may hindi ka alam na gagawin sa bahay nila or feeling mo something is wrong. Yun lang. ?
Mama bear of 1 active squishy baby