SMOKER
Para po sa mga expert mommies, specially sa mga cigarette smoker. Anu ano po ba ang mga bad effects ng paninigarilyo habang buntis? meron po ba dito na kagaya ko naninigarilyo parin kahit buntis na? I am 12weeks pregnant. Napakarami ng times akong nag attempt mag stop, d ko na mabilang pero laging failed. kahit ngayon pong buntis ako, hirap na hirap akong iwasan ang paninigarilyo. I need advices. Gusto ko rin po sana malaman mga epekto ng gingawa ko. gaano po ba makakasama sa bata ang paninigarilyo ng buntis na nanay. Salamat po sa mga sasagot.

Smoker din ako at halos nkaka-kalahating kaha pko sa isang araw lang noon, ilang beses ko n din inattemp magquit pero dko din kaya then one day bigla nlang nag-iba pakiramdam ko habang nagyoyosi ako. Para kong masusuka na ewan then nag-iba din pang-amoy ko sa usok. Bahong-baho ako tlga. Dun nko nagtaka kaya nagpabili kagad ako ng PT sa asawa ko at boom nagpositive sya. Kusa nko tumigil dahil n rin sa nagiiba pakiramdam ko kahit makaamoy lang ako ng usok ng yosi. And sobrang guilty ko tlga nung malaman ko na 7 weeks n pala ung baby ko s tyan ko. Nakonsensya ko dun s mga panahon na dko alam n nsa tyan ko na sya kasi grabe tlga ung alak at yosi ko nun. Sorry ako ng sorry sknya and lagi ako nagdadasal n sana walang maging komplikasyon or abnormalities na mangyari sknya pag labas. Na sana healthy sya kasi sobrang dami ng excited n makita sya. FTM here btw anf hanggang ngaun di pa rin nagssink in sken na magiging mommy nko tlga. 😅😆😁
Magbasa pa

