SMOKER

Para po sa mga expert mommies, specially sa mga cigarette smoker. Anu ano po ba ang mga bad effects ng paninigarilyo habang buntis? meron po ba dito na kagaya ko naninigarilyo parin kahit buntis na? I am 12weeks pregnant. Napakarami ng times akong nag attempt mag stop, d ko na mabilang pero laging failed. kahit ngayon pong buntis ako, hirap na hirap akong iwasan ang paninigarilyo. I need advices. Gusto ko rin po sana malaman mga epekto ng gingawa ko. gaano po ba makakasama sa bata ang paninigarilyo ng buntis na nanay. Salamat po sa mga sasagot.

70 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Very dangerous po para sa anak mo ang smoking during pregnancy, lalo na po nasa first trimester pa lang po ikaw mommy. Lahat ng dangerous chemicals na nahihithit mo, nakukuha din ni baby mo. Pwede makunan, magkaron ng abnormalities si baby, visual and hearing impairments kay baby, at complications right after mailabas mo sya na possible magresult sa death. Kaya sana po matiis mo muna tigilan. No smoking/vaping o kahit mga ksama sa bahay. Bawal mo/nyo malanghap ni baby. Kaya mo yan💪💪💪

Magbasa pa

I was a chain smoker, lalo na't call center agent ako. Nasanay ako na maya't maya ang yosi. Pero the moment I knew I was pregnant ,tinigilan ko agad2 . Kahit pa may makita akong naninigarilyo , hindi ako natetempt dahil mas mahal ko anak ko kesa sa sigarilyo. You can stop it, seryosohin mo pagiging ina . Mahalin mo anak mo kahit di mo pa nahahawakan dahil kakayanin mo lahat wag lang siya masaktan at walang masamang mangyayare sa kanya.

Magbasa pa

Masama nga po sa atin what more sa mga babies. Dati din ako naninigarilyo nag stop ako cold turkey during 13 weeks of pregnancy. Umuwi na kasi ako dito sa pinas kaya madali sa akin mag stop. Wala kasi naninigarilyo dito sa bahay. Hanggang ngayon na 17 months na baby ko hindi na ako naninigarilyo. Umiwas lang po kayo sa mag titrigger na makapag yosi ka. Mahirap lang yan sa umpisa. At isipin mo nalang baby mo. Good luck po.

Magbasa pa

I WAS a smoker before I get pregnant with my 3rd baby. But as soon as I confirmed that I am carrying a little human being inside me, I quit smoking immediately. If you LOVE your baby, nothing can stop you from doing the things that you have to do for your little one. I hope you can stop that ASAP. It will give a long term effect which is a BAD effect to your baby's health. It may also cause, low birth weight.

Magbasa pa

Skl. Smoker din ako noon. Biglang Nagtataka ako bakit naduduwal o nagsusuka ako tuwing nagyoyosi yun pala buntis ako. Kaya hindi ako nahirapang itigil ang paninigarilyo kase nagbubuntis palang ayaw ko na sa sigarilyo at alak kahit amoy lang nito, maamoy ko lang sa jowa ko nagsusuka na ako. Hanggang ngayon hindi na ako naninigarilyo. 1yr mahigit na 😊 Para kay baby momsh, stop mo na. Kaya mo yan.

Magbasa pa
5y ago

Buti naman naka recover na kayo sa ganyang bisyo mga mommirs.

Sken ngyyosi pako nung 3months tyan ko. Gnwa ko pinakonte konte ko dko inuubos isang stick. Ska nkaka dlwang stick nlng ako sa isang araw mnsan isa nalang. Hanggang sa dna ko nagyosi. Kse pangit dn bglang tigil. Ngayon 4months na baby ko, normal delivery dn ako, 5hrs labor. 20 mins ko lng dn nailabas baby ko. Malakas pa kaen ko nyan. Wla nmn diperensya baby ko. Sbrang likot pa nga hehe.

Magbasa pa

Before ko malaman na buntis ako nagyoyosi na ko. Nung nalaman ko na na may baby na ko mga 8 weeks na si baby non talaga ako mismo lumayo and napansin ko din na nung nagyoyosi ako nung di ko alam na buntis ako hirap ako matulog, kumilos, laging hilo pero nung tumigil ako naging okay. Isipin mo na lang yung baby mo mahirap maospital ngayon. Kaya mo yan! Kain ka na lang kesa magyosi

Magbasa pa

Nag yoyosi din ako nang nag lilihi ako ayoko nang amoy nang yosi. Kahit hihits lang ako nasusuka na ko maamoy ko lang suka na agad ako ganun din sa alak. Pero nung 7mos na tyan ko non nag yosi na ulit ako pero di na malakas sa awa nang dyos walang epekto sa baby ko healthy ang baby ko ngayon. At kahit ngayon e nag yoyosi parin ako pero nung new born baby ko stop ulit ako.

Magbasa pa

Smoker din ako momsh bago magbuntis. Pero nag stop agad ako nung nalamaan ko nabuntis ako. Ang sigarilyo anjan lang yan, kayanin mo para sa baby mo. Try eating banana kung ngkaka urge ka to smoke. Masamang masama epekto nito sa unborn baby mo kaya pls itigil mo na. If you really want answers to your questions just google it ng malaman mo ang effects nito sa baby mo.

Magbasa pa

smoker since college. nsa outing kme todo smoke at inom pa ko that time after ng outing nagtry n ko mag pt kci may something n ko nraramdaman bgo p kme mag outing mamsh. kala ko dhil lng sa puyat ung pagkahilo ko 🤦‍♀️ nung nag positive pinag stop ako ni hubby smoke at alak. khit pag nag smoke sya malayu sakin. try to stop nlang mamsh mas better kay baby un

Magbasa pa
Related Articles