Privacy Policy Community Guidelines Sitemap HTML
I-download ang aming free app
Pansin ko lang yung toddler ko hindi sya umiiyak tuwing napapagalitan ko sya at napapalo, kahit napapalakas yung palo ko hindi sya umiiyak. Masasabi kong advance ang skills ng anak ko sa edad nya dahil nakikipag communicate na sya, nauutusan at nakakapag identify na ng mga bagay bagay. Hindi ko maalis sa sarili ko na mapaisip kung normal pa sakanya na hindi umiiyak sa ganung mga sitwasyon. Ano sa tingin nyo po?
Ever since po ba ay hindi talaga sya umiiyak? Or umiiyak sya before, pero ngayon hindi na? If it's the latter ay baka na-immune na sya sa pagpalo at galit nyo. How about other emotions po like happiness, excitement, anger, etc?