Nagkamali Ako, First Time MAMA

Pano un mga momsh, mali ako sa pag papadede kay baby? Halos 1 buwan ko din sya npapadede ng mali. Napapadede ko sya ng nakahiga tas wlang unan. Ang ginagawa lang namin eh nkatagilid buong katawan pag dumede. Pero napapaburp naman sya after, may mga times lang na hindi pag mahimbing na tulog nya or pag sobrang antok na namin. Huhuhu. Mga momsh, sa tingin nyo po ba nagkaron na ng kumplikasyon si baby? Huhuhuhu sana wala po. First time ko lang po kasi eh tapos wla na yung mama ko kaya wla na masyado nag gagabay sa amin. Nag bababasa lang ako ng experiences through this app, sa mga articles, searching online tska ung ilang naaalala ko na ginagawa ni mama ko kasi meron nako 2 pamangkin kaya kahit paano may alam ako konti sa pag aalaga sa bata. Hays nag wworry tuloy ako sa baby ko huhu. Hindi ako nag iingat. Kasi may mga nababasa ako na pag tulog na daw wag na padighayin. Meron din na pag pinapadede ng nkahiga eh itagilid buong katawan. Tska pag kakaalam ko kasi pag newborn hindi ginagamitan ng unan para di maflat ung ulo. Hays sna mga momsh wlang masamang mangyari kay baby. Pero ngayon po nag ppractice na kami na lagi syang may unan, lagi napapaburp din.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Breastfeeding ka ba mommy or bottle? Pag breastfeeding kase at kung tinutukoy mo na naka side is sidelying position and walang unan pag mag dede si baby tama yun, kailangan wala unan pero dapat side. And tungkol sa pag burp, pag breastfeeding no need na mag burp iuutot nlng nila minsan. Kase kalimktan wala naman hangin pumapasok sa kanila unlike sa bote may hangin kaya kailangan ipa burp, and hindi naman ibig sabhn pag ibuburp eh bababa na yung gatas or hndi sya mag lulungad. Ako kase breastfeeding so pag buhat ko sya kailangan mataas lang ulo nya kesa sa katawan para yung gatas hindi papasok sa baga. And pag natapos na sya mag dede usually tulog na sya. Hindi muna ako gagalaw sa pwesto ko para sure na baba yung gatas. Pag ginalaw kase ang mga babies ng wala pang 30mns lulungad talga sila kase immature pa yung digestive system nila. So 30mns or more pa bago ko sya ibaba and hindi ko na pinadidighay...pero pag naka side kame no need na dighay diretso tulog na tapos pag gising tska sya didighay or utot kung merob man. Pag bottle feeding kailangan tlaga mataas ang ulo and kailangan talga padighayin and same 30mns bago ihiga para hndi lulungad. And kung may worries ka mommy sa next visit nyo chinecheck naman ng pedia yung tunog ng baga kung may nakapasok na gatas.

Magbasa pa
5y ago

Welcome po. Ako naman po may mama pero nakalimutan na daw nya atska mali kase naituro sa kanya noon...gusto nya painumin tubig apo nya ng wala pa 6mons. Yun daw kase yung ginawa nya samen nung babies pa kame magkakapatid. Hays...hindi ko nlng sinunod sinabe ko nlng na may bagong research na ngaun na bawal kase nakakamatay pag nasobrahan

okay po yung side lying. ganyan din ginagawa ko dati, nag aalala din ako kasi baka pasukan gatas yung baga gaya ng nababasa ko pero ok naman po si baby. wala sya unan sa ulo, unan lang sa likod nya

VIP Member

same tayo mamsh wala ndin ang mama.sobrang hirap noh 😞 sbi skin nung nurse wag daw pahiga kse mppunta sa baga kays gingawa ko gya ng sbi ng ibng ka mommies elevated bandang ulunan nya

5y ago

Sa youtube ko lng din nalaman yan proper way. Cs kase ako super hirap lalo super clingy at may growth spurt si baby

Lagyan lang ng unan sa likod baka kase maglikot si baby para hindi titihaya

Post reply image

Ganito po ang tama

Post reply image
VIP Member

🙏🙏

VIP Member

Side po

VIP Member

ff