Sana po ay bumalik yung dati

Pano po kaya maniniwala sa akin ang asawa ko .inamin ko naman po sa kanya na dati pa na ako ay nag ka bisyo..pero pasalamat ako sa diyos ay naka iwas naman po.ayaw nya maniwala .sa bagay mahirap ibalik ang tiwala. Eto naman po ang problema ko. Ilang beses nako nag sasabi sa kanya na binabangungot ako tapos hindi nako natutulog pag nagising ako kasi natatakot ako baka mag tuloy po yung bangungot ko kaso parang wala lang sa kanya kala nya uma arte lang po ako tapos nagagalit na sya Kaya minsan po kahit wala akong sakit nag sasakit sakitan nalang po ako na kunyari masakit ngipin ko o kaya ulo...kasi baka sawa na sya kakasabi kong binabangungot ako. Ngayun mas madalas na kong bangungutin po.kasi isa pala sa dahilan ay yung pag iisip. Po pala Madalas kong maiisip na baka pag binabangungot ako eh hindi nya ako gisingin kala nya siguro uma arte ako. Kasi minsan nang yari napo yung ganun na nagising ako galing sa pag kabangungot tapos nasatabi ko lang sya nag se cellphone Alam kopong nag kamali ako hindi po ako nahihiyang sabihin yun.ilang beses nya na akong pinalayas pinag tabuyan .pero diko po magawang umalis kaya kahit anung salita sinasabi nya ok na lang sa akin.ayaw ko kasi mahiwalay sa anak ko.siguro ayan yung mga ganti nya sa akin sa mga mali ko at mga kasalanan pero di ako naghanap ng babae yun nalang siguro ang kaya kong ipag malake sa kanya at sa ibang tao at talagang wala na syang plano pang maniwala o mag tiwala sa akin Na stress napo ako.minsan gusto ko nalang talaga sumuko na.diko naman sya masisi kung mang yare yung ayaw ko na mag ka hiwalay kami o masadlak nanaman ako sa mga dati kong gawi na sumira sa tiwala nya kasalan ko naman pero pinag bayaran kona man. Sana po ay may maka pag payo po sa akin. Makatulong at paka unawa po narin po sana. Salamat po

Sana po ay bumalik yung dati
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mag usap kau ng masinsinan ng asawa mo. Prove mong nagbago kna nga. Cguro pag usapan nyo na kpg ginawa mo ulit ung bagay na dahilan kung bakit sya nawalan ng tiwala sau sabihin mo may consequence un na pwede ka nya hiwalayan sa ayaw o gusto mo para may assurance na takot ka na ngang magkamali uli sa bisyo na sinasabi mo. D mo dn kc masisi ang asawa mo baka paulit ulit mo na syang niloko or nasaktan kaya ganyan na sya sau ngaun. Ikaw na msmo nagsabi ang tiwala kapag nasira gaya ng pagsi2nungaling or panloloko mo sa kanya mahirap na ibalik. Meron at meron duda na yan. Usap kau para khit paano maging ok kau. Prove mo lang na nagbago ka na sa isip or gawa.

Magbasa pa
3mo ago

maraming maraming salamat po.