breastmilk

Pano po ba mapapalakas ang milk? 30 mins na q nag papump yan lng mga nakukuha q.. tas wala na tkga lumalabas..kaya pala d nabubusog c lo kc 20ml lng tlga laman nya dalawang dede na po yan..nakaka iyak kc sobrang konti..gusto q tlga i pure breastfeed sana sya..help naman po..

breastmilk
31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ilang weeks or months na po si lo? Mommy, wag ka po magpapaka-stress. Akala mo lang di nabubusog sa gatas mo si baby pero sapat na yan sa kanya dahil maliit pa tiyan nya. Normal lang din po na maya't maya siya dumidede sayo. Tiyaga lang po. Unli-latch ka lang at uminom ng tubig, warm milo o gatas, kain ka ng masasabaw na pagkain o ulam, kung may kasama ka po sa bahay nyo subukan mo po magpaluto sa kanila, relax ka lang, bago at pagkatapos magpasuso uminom ka po ng tubig. Kung ako, nalaman ko po habang maaga pa o nung buntis palang ako na ganyan palang kakonti yung kailangan ni lo. Edi sana hindi kami mixed feeding 😢 Kaya mo yan mommy. ♥️ Sali ka sa Breastfeeding Pinays fb group, matutulungan ka nila. (Sana lang din magkaroon na ng community group dito sa tAp. Hehe.)

Magbasa pa
5y ago

San loc mo mommy? Gusto mo ba ng mother nurture at purest lactation drink for free nalang po. Di na rin kasi ako nagbbf kasi wala na talaga akong supply. Thanks to God kasi umabot ng 1yr gatas ko kahit mahina supply, yun nga lang mixed. Hehe

VIP Member

Mommy, hindi po naka indicate kung ano na pump nyo ganyan karami LANG ang gatas nyu po. Unli latch po ang pinakadabest, kasi supply & demand po rule ng breastmilk. The more latch ni baby, the more milk mai produce nyo. Samahan nyo narin ng lactating food/milk to support your journey po :) Hindi rin po ibig sabihin kada iyak ni baby ay gutom parin. Crying is their language, hanapin nyu lang po gusto nya pero mostly of newborns gusto lang ikarga kasi they felt safe pag ganon. 9mos po kasi sa loob natin at namimeet agad ang needs kaya nagaadjust pa din yan sa new environment nya po.. Good luck momsh 💖

Magbasa pa
VIP Member

Mommy same tau aq din mahina mas madami pa nga ung na pa pump mo kaysa sakin eh hehe.. pero wrong information po tau bawal pa po mag pump ng ilang days palang c baby kc may tendency na tumigil ang supply ng gatas natin.. every 2 hrs daw kc nagugutom ang baby kaya dapat after mg breastfeeding inom kna po ng gatas at maraming tubig or soup po para ater 2 hrs magkakaron kna po ulit ng supply..dapat po same left and right ang padede kay baby pra maubos nya po ung both side kc kusa daw po iyan mgkakaron ng supply manood po kay dr willie ong madami po kaya matutunan about breastfeeding 🙏🏻

Magbasa pa
VIP Member

Kahit siguro mag-direct latch ka nalang mommy, may work ka ba kaya ka nagpa-pump? Mas maganda daw kung direct e. Tsaka kalma ka lang, wag mo masyado ipush sarili mo sa pumping. Alam ko yung iba power pumping ang ginagawa, may schedule sila nakakatulong din daw yun na mapalakas ang supply (di ko yun nagawa kasi sahm ako hehe), pero nakapagpump ako at 3oz lang in 30mins both breast na kaya nastress lang din ako, nasaktan pa boobs ko hahaha 😅 Kung want mo rin professional help, search mo po sa fb yung Arugaan dyan sa area nyo 😊 God bless po. Kaya mo yan! 😊

Magbasa pa

wala po sa dami ng plna pump ang supply ng milk momsh... kasi minsan d naman compatible ang breast pump satin.. yung milk supply din po nakadepende po yan kung gano pang karami milk need ni baby according sa age nya.. ganyan din po ako pag nag papump halos ala makuha pero d naman nagkukulang sa baby ko, unli latch lang po momsh.. mas nakakakuha ng milk ang baby kesa sa pump..

Magbasa pa
VIP Member

Try and try lang,sis, ako po noon mas konti pa diyan yung milk ko noong nagpupump po ako. Pump pa rin ako ng pump and unli latch kay baby. Inom ka ng malunggay capsules,mag ulam ka ng masasabaw with malunggay leaves at bago ka magpump warm compress mo rin at inom ka ng maligamgam na water nakakatulong din siya.

Magbasa pa
Super Mum

Ako nmn mommy super dami ng milk ko namroblema din ako kasi kahit super lakas dumede ng LO ko di nya pa rin kayang habulin.. 5days pa LO ko kasi. Kya bumili nlng ako ng pump pra mailabas ko lahat. Super sakit na kasi.. and tigas na ng dede ko kung mgkapitbhay lng sana tayo, idodonate ko mga milk ko...

Magbasa pa
5y ago

Sana all.... Penge akO gatas... Ang Hirap ng walang gatas....

sa eldest ko nun, di rin ako nagpump kasi onti lang nakukuha ko... pero unli latch siya sa akin... Umabot kami ng more than 5 yrs sa pagbebreastfeed.. pati ilang pamangkin ko, napadede ko din....

inum ka malunggay capsule may gamot na nabibili nian. or mag ulam ka lagi ng massabaw tska malunggay. then massage mo tuwing umaga mga breast mo.

VIP Member

Ilang mons na po ba si baby? Di po kasi basehan ang na express na milk mas malakasnpo mag suck si baby kesa yung pang pump po