SSS claims

pano po ba makakuha ng sss claims? ano po mga steps na need gawin. malapit na ako manganak pero di ko pa po ito naaasikaso. thanks po sa sasagot.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

If employed ka po, need mo magpasa ng MAT1 sa employer mo for notification bago ka manganak. Hindi ko alam kung may minimum or maximum timeframe basta as early as possible dat nakapagpasa ka ng MAT1 form sa employer mo then sila na bahala. Afterwards, pagtapos mo manganak and nakabalik ka na from leave, ipapasa mo naman yung mga docs na nagpapatunay sa delivery and medcert sa employer mo para maforward nila sa SSS. If voluntary member, ikaw mismo magpapasa ng MAT1 form mo sa SSS branch as early as possible. Tas after mo manganak, ipapasa mo sa sss yung mga needed docs nila para maprocess yung mat benefit mo. :)

Magbasa pa
4y ago

thanks po. saan po ako kukuha ng form ng mat1? sa sss po mismo or merong downloadable?